-----" Kumalma ka nga!" Singhal ni Gerian kay Zyra na pilit itong pinapakalma !
" That bitch!" Sigaw niya ! Buti na lang malakas ang music dito kaya hindi dinig ang pag-wawala ni Zyra " Who the hell she is ? Tang-ina ! Ang ganda-ganda ko tapos tatapunan niya lang ako nang Alak ? Mas mahal pa sa buhay niya ang damit ko!" Sigaw na naman niya at talagang galit na galit !
Hindi ko talaga alam ang buong pangyayari ! Basta nakita ko na lang na basang-basa na si Zyra nang alak at sinusugod na siya ni Rika .. Kaya lumipat muna kami nang table ! Kasama namin ang girlfriend ni Jeof na si Pearl at ang girlfriend ni JD na si Meg ! Nandito din sila Ate Zab , Zherlyn , Rhea at Deniss na inaawat na din ang kaibigan nilang si Zyra !
Nasa ibang table naman sila Gio ! Hindi ko alam kung saan na pumunta sila Rika basta hinila na siya nila Beatrice at Chay yung dalawang kasama niya nung sinampal niya ako at sinabuyan nang alak ..
" Just calm down zyra please!"
" Paanu ako kakalma ? Inawat niyo ako eh hindi pa ako nakakaganti!" Sigaw na naman nito ! Nagkatinginan kami nila Pearl , Meg at ate zab tsaka pinanood yung apat na inaawat si Zyra ! Nakakainom na pa naman ito kaya malakas na ang loob na magwala !
" Nakakahiya sa may birthday!" Naiinis na sabi ni Deniss sa kaibigan !
" Alam niyo girls sumayaw na muna tayo pero syempre kailangan may tama nang alak para mas enjoy diba?!" Tumayo si Meg at nagsalin nang alak sa mga baso namin !
Napalunok ako at pinisil ang ibaba nang tenga ko ! Hindi ko alam kung ilang alak na ba ang natikman ko sa ilang oras na lumipas !
" Okay ! Cheers!"
Inangat namin ang mga baso namin at pinagbangga iyun tsaka namin sabay-sabay na inubos at halos walang natira ! Nilapag ko sa table ang baso ko at napahawak sa ulo ko !
Gumuhit sa lalamunan ko ang alak kasabay nang pag-ikot nang paningin ko !
" LET'S PARTY" Sigaw nila at tumakbo papunta sa Dance Floor !
Mauupo na sana ako sa couch nang hawakan ni Zher at Gerian ang mga braso ko at tinangay ako sa gitna ! Lalong naging wild ang mga tao sa malakas na music sa paligid ! Nagsigawan din sila Gerian nang sabay na mag twerk si Zyra at Meg sa gitna ! Nararamdaman ko na din ang tama nang alak dahil sa iba't ibang klase nang alak na iniinom namin ! Nakisabay ako sa sigawan at sayaw nila Gerian at malakas na tumatawa kapag nababangga na nang iba sila Meg at Zyra dahil sa kalasingan nila !
" Oh " Nahawakan ko ang braso ni Zherlyn nang muntik itong matumba !
" Thanks ate!" Yumakap siya sa bewang ko habang sumasayaw pa din kaya inakbayan ko siya at para kaming baliw na sumasayaw !
Umalis sandali si Ate Zab at pagbalik niya may hawak na siyang dalawang baso na may laman na alak at natatapon pa yun dahil sa pagsayaw niya ! Inabot niya yun kay Zyra at Meg at walang pag-aalinlangan na ininom iyun nang diretso ! Sinabunutan pa ni Gerian at Rhea si Zyra nang masamid ito at mabangga nang ibang sumasayaw !
" Alak pa yata ang papatay sa akin!" Sigaw niya at muling humataw sa pagsayaw !
Ganun din si Meg na hindi din nagpahuli sa pag-giling ! Hindi ko mapigilan ang mamangha sa kanila ! Sanay sila ganitong kasiyahan at makikita mo sa kanila na masaya sila dito , samantalang sa probinsya ay mararanasan lang namin ang sayawan kapag fiesta nang brgy o kaya ay christmas party at pagtatapos nang taon sa bawat lugar !
Nang mapagod ay bumalik kami sa couch pero nawala na si Rhea ! May humila kasi dito na lalaki , ang sabi ni Gerian ay boyfriend daw nito kaya hindi na kami nag-usisa ! Bumalik din si Meg sa table nila Gio at ayun naka-kandong sa hita nang boyfriend niya ! Sa totoo lang ay mas mataas si Meg kay JD , balingkinitan kasi ang katawan ni Meg habang mataba naman si JD kaya lalong bumaba tignan ! Nandun din si Pearl na nakikipag-usap na din sa boyfriend niyang si Jeoff !
