----Maaga akong nagising kinabukasan , hindi nga naging maganda ang bungad nang umaga sa akin dahil bukod sa napalakas na hang-over ay dumagdag pa si Zher na sa room pala nang kuya ko natulog.
Naligo ako agad at nag-ayos para sa pagpasok sa Office ! May mga meeting kasi na kailangan kong puntahan dahil wala si Kuya ngayon kaya ako ang tumatapos sa mga kailangan niyang tapusin sa Business namin.
"Excuse me ? Nasan yung salt?"
Napahinto ako sa pagbaba nang hagdanan ng marinig ko ang boses ni Zherlyn sa may kusina ! Nakataas ang kilay ko nang magtungo ako duon at naabutan ko siyang pinapanood ang kasambahay namin na kinukuha yata ang mga hinahanap niya.
"Pasensya na po , akala ko po kasi ay alam niyo na ang mga lagayan ng mga ito."
"Malamang hindi?" Hindi ko nagustuhan ang naging tono nang boses niya lalo na't napayuko at tila napahiya si Ate Suling.
"Pasensya na po."
"Ah , Ahm." Tumaas pa lalo ang kilay ko nang mapagtanto niya siguro ang inasta niya sa kasambahay namin. "Im sorry po." Tipid lang na ngumiti si Ate suling sa kanya.
Wala akong gana na pumasok na nang tuluyan sa kusina kaya napalingon sila sa akin , agad namang iniwasan ni Zherlyn ang titig ko kaya mahina akong natawa.
"Hindi siya si Ate Sessai ate suling." Nakangiting sabi ko ngunit nang-aasar. "Sorry ha ? Hindi na kasi nagtatanong si Ate Sessai nang mga kailangan niya dito." Mataray kong sabi at kumuha nang tubig sa ref at nagsalin sa baso at ininom iyun habang nakatitig ako sa kanya na salubong ang kilay.
Halatang naiinis na kaya lalo tuloy akong ginanahan na inisin pa siya lalo.
"Don't ruin my day gerian."
Natawa ako sa sinabi niya at pabagsak na ipinatong sa mesa ang hawak kong baso.
"You already ruin my day BESSY."
Walang gana ngunit mataray na sabi ko at umirap sa kanya tsaka ko siya iniwan sa kusina kasama si Ate Suling na tahimik lamang sa isang tabi at mukhang mas kabado pa nga sa pweding gawin ko kay Zherlyn.
Nakasalubong ko pa si Mommy na bumababa nang hagdanan.
"Good morning my princess."
"Walang maganda sa umaga mommy."
Walang gana kong sagot at hinalikan ang magkabila niyang pisnge ! Hinaplos niya pa ang buhok ko at pisnge habang nakangiti.
"Hayaan mo na siya iana."
"At talagang pinayagan mo pa siya na matulog sa room ni Kuya?" Hindi nakasagot si Mommy at tumingon sa likudan ko , nilingon ko naman ang tinitignan niya at nakita ko dun si Zherlyn na akala mo'y kawawang-kawawa.
"Gerian."
"As if naman na may magagawa ako?"
"It's not like that , kinausap kasi ako nang --"
Napailing na lamang ako at hindi makapaniwala sa mga sinasabi ni Mommy.
"Ikaw pa lang yan ha pero nagagawa na niya ang mga gusto niya ? Paanu pa kung si Daddy na ang lapitan ni Zherlyn mommy?" Gumuhit ang sakit sa mga mata ni Mommy at bumagsak ang balikat na para bang wala na siyang ibang maisagot sa akin. "Ewan ko sa inyo." at lumabas na ako nang bahay.
Tumungo ako agad sa Office , walang empleyado ang bumabati sa akin dahil siguro sa maitim na aura ko ngayong umaga , kahit sila Camille ay wala ding masabi nang sandali akong dumaan sa Office ni Kuya para kuhain ang laptop niya at agad ding lumabas para magtungo sa Office ko.
