Chapter 30

766 23 1
                                    


---

NAGULAT ako nang biglang mag ring nang malakas ang phone ko ! Pakiramdam ko ay ilang segundong humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko sa sobrang gulat ..

Kinuha ko ang phone ko at nakitang si Gio ang tumatawag !

Naiharang ko pa ang palad ko sa may mata ko nang lumampas ang sikat ng araw sa bintana nang kwarto ko ! Syete ! Tanghali na yata !

" Babeeeeeee " Natawa ako nang marinig ang boses ni Gio !

" Goodmorning po ! Bakit ngayon mo lang ako ginising ay?" Tumawa siya at narinig ang pagsara nang pinto ng kotse ..

" Late din akong nagising babe .. Papasok pa lang ako sa Office tapos diretso pangasinan ! Dadaanan ko lang yung mga papers na kailangan ko sa Office .. " mahabang sabi niya

Aamba pa lang sana ako nang paghiga nang magsalita siya .

" Ops ! Bumangon ka na ! Mag breakfast ka na babe .. Late na!"

" Ikaw ? Kumain ka ba ? Baka naman nag coffee ka lang na naman GIO!"

" Babe naman .. Kailangan talaga may diin yung GIO ? nakakatakot!"

" Baka kasi di ka na naman kumain .. "

" Don't worry nag sandwich ako babe then coffee .. Kumain ka na ha!"

" Imissyou!"

" Pinapakilig mo naman ako babe .. Agang-aga ! Haist!" Dinig ko ang pagbuntong hininga niya .. " Mis na mis din kita ! Sabi ko sayo hindi muna ako babalik dito kasi i know na you're not okay .. " Malungkot ang boses na sabi niya kaya mahina akong natawa para gumaan ang pakiramdam niya ..

" Ayos lang ako ! Kakausapin ko din si Kuya mamaya .. Susunduin niya daw ako!"

" Wag kang mahihiya sa resort okay ? Kapag gusto mo dun mag stay ! Sa kwarto ko na ikaw mag stay babe .. Kumpleto foods dun!"

" Ikaw talaga .. "

" Ayokong nagugutom ka ! Baka umiyak ka!"

" Anak nang .. "

Humalakhak siya kaya napangiti na lang ako ..

" sige na ! Malayo pa byahe mo .. Ingat ka ha ! Tawagan mo ako kapag may oras ka!"

" Yes sweetheart .. " Napakadami niyang tinatawag sa akin ! Natatawa na lang ako !

" Sige na ingat ka sa byahe ha!"

" Opo babe .. "

Namatay na ang tawag kaya bumaba na din ako nang kama at itinaas ang buhok kong di pa naman nasusuklay ! Niyakap ko pa nang mahigpit ang malaking teddy bear na nasa kama ko bago ako pumasok sa banyo ..

Dalawang araw na simula nang Umalis ulit si Gio dahil marami pa siyang trabaho ! Aayaw pa sanang bumalik pero ako na ang nagsabi na ayos lang ako dahil baka lalong dumami ang trabaho niya mas ma-stress siya .. Naiwan sila Kuya Zac at Ate Zab na tumutuloy ngayon sa Resort ! May usapan kami na susunduin niya daw ako mamaya ..

" Gising ka na pala .. " Tipid akong ngumiti kay ate sally na nakasandal sa may gilid nang pintuan nitong banyo ..

" Kagigising ko lang ate .. Sorry late!" Sabi ko!

Umupo siya sa may gilid nang kama ko at lumabas na din ako ng banyo .. Nilalaro niya ang malaking teddy bear na binigay sa akin ni Gio sa Resort habang yung madaming chuckie ay nakela Meng dahil wala kaming REF ! May lima lang akong tinira dito para naman may iinumin ako kapag na-crave ako !

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now