Chapter 55

664 24 5
                                        


---

GERIAN

Nanlaki ang mata ko nang mukha ni Mommy at ate ang mabungadan ko habang tamad akong bumababa sa hagdanan.

" Ohmyghad...mom!" Nataranta akong bumaba at agad na niyakap si Mommy !

As usual nakataas na naman ang kilay nang ate ko na di naman maganda !

" What are you doing here ? Hindi kayo nagsabi na ngayon kayo uuwi!" Sabi ko at tinulungan siya sa mga maleta niya.

" We want to surprise you hija ! Where's your kuya?" Tanong niya habang hinuhubad ang makapal na jacket niya ..

" Nasa room niya , Hindi maganda ang pakiramdam kaya hindi nakapasok!" Gumuhit agad ang pag-aalala ni Mommy nang marinig ang sinabi ko ..

Umakyat agad siya sa taas at tinungo ang kwarto ni Kuya !

Kahit ako ay nag-aalala , bigla na lang kasing tumaas ang lagnat niya ! Tinawagan ko na din si ate kagabi dahil siya lang nang siya ang tinatawag ni Kuya magdamag --- Sobrang laki tuloy nang eye bag ko!

" Nasan ang girlfriend ni Kuya?"

" Whoa ! Akala ko ba ay ayaw mo sa isang probinsyana ate ? Bakit hinahanap mo si ate sai ngayon?" Mataray na sabi ko sa kanya at pinag-krus ang braso ko sa dibdib ..

" Tinatanong kita nang maayos!" Nauubusan ng pasensya na sabi nya kaya napangiti ako.

" Namiss ko yang ganyang mukha mo sissy .. Ang pangit ! Ghad!"

" Pwedi ba?"

Umirap ako sa kanya!

" Nasa quezon , may project kasi duon ang company nila kaya kailangan niyang puntahan ! Pauwi na din yun kasi siya ang hinahanap ni Kuya!" Tumaas ang kilay nito sa akin bago ako inirapan at sumunod kami kay mommy sa kwarto ni Kuya ko.

Inabutan namin si Mommy na kinakausap si Kuya na mahimbing ang tulog at balot na balot nang makapal nitong kumot.

" Napakataas nang lagnat niya ! Bakit hindi niyo na siya dinala ng hospital Iana?"

" Ayaw niya eh ! Si Ate sai lang ang hinahanap niya .. Hihintayin niya daw si Ate!" Sagot ko.

" Anu na namang magagawa nang girlfriend niya eh hindi naman siya doctor .. " Singhal naman ni ate at kung wala lang si Mommy sa harapan namin hinila ko na ang buhok nito.

Lumapit siya kay kuya at tinignan ito , syempre doctor siya kaya alam na niya ang mga dapat niyang gawin kay kuya ! Baka isumbat na naman niya sa akin na NURSE LANG NAMAN AKO ! baka mag-init ang dugo ko , ipakulo ko bigla at ibuhos sa kanya lahat.

" Bakit siya tinaasan nang lagnat?" Hinaplos ni Mommy ang pisnge ni Kuya at hinalikan ang sintido nito.

" Kagabi pa siya ganyan eh , sabi ko nga dadalhin ko na siya sa hospital ! Aayaw naman niya!" Sagot ko.

Bahagyang gumalaw si Kuya pero hindi pa din siya nagmulat nang mga mata niya.

"Babe!" Paos na sabi niya.

Napatingin si ate at mommy sa akin nang marinig ang sinabi ni kuya.

"Babe!"

"Sinung hinahanap niya?" Nagtatakang tanong ni Mommy.

" Si ate sai!" Sagot ko.

" Son ! Mommy is here .. May masakit ba sayo ? Dadalhin ka na namin sa hospital!"

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now