----
MADILIM na nang makarating kami sa compound nila tita , tulog na nga si Fiona sa balikat ko ganun din si Sessai tulog na tulog na din , napagod na din siguro sa kakanguya sa buong byahe.
Tinapik ito ni Jex nang dalawang beses sa balikat pero si Fiona ang nagising kahit hindi ko pa naman ginigising.
Mga abnormal.
"Hoy sessai ni Gio , nandito na tayo."
Unti-unti siyang nagmulat at iginala ang paningin sa paligid , nang ma-realize niya siguro kung nasan na kami ay duon lamang niya kami nilingon tsaka tipid na ngumiti.
"Kanina mo pa ako ginigising?" Matamis na ngumiti si Jex sa kanya.
"Hindi naman."
Tinignan ko silang dalawa at napangiti nang may mapansin ako.
"You know what guys?" Nilingon nila ako nang may pagtataka. "You look good together pala ? If hindi ko kilala si Gio , itutulak talaga kita kay sessai bakla." Nagkatinginan silang dalawa , natawa si Sessai habang napangiwi at kunwaring nagsusuka naman si Jex.
"Yuck ! Eww ! Kadiri." Diring-diri na sabi ni Jex at nagmadaling lumabas ng kotse.
Natatawa naman kami ni Sessai na lumabas nang car , tahimik lang si Fiona na halatang inaantok pa.
Bumaba na din kami nang kotse ni Jex.
Sumalubong sa amin ang ingay nang Videoke at malakas na kwentuhan nang ibang pinsan namin at iba pang kamag-anak , dahil nga pinanganak nang mataray si Jex agad itong tumili at kumaway na para bang beauty queen.
Alas sais na nang gabi at mukhang abala na ang mga bwesit na ito sa alak.
"NANDITO NA ANG MAGAGANDA."
Sigaw nito at sinalubong naman kami nang mga pinsan namin.
Sinalubong pa ako agad nang alak ng pinsan ko at pinapatagay agad ..
"Gaga , lubayan mo muna ako marian , hindi pa ako kumakain." Pagtanggi ko at ipinasa ang tagay kay Fiona na inirapan lamang ako.
"I want foods , not that." Mataray na sabi nito at parang bata na pumasok sa loob nila Tita emma para siguro kumain.
"Teka jex!" Nilingon ko si Tito Danty na may hawak pang alak sa baso nito nang harapin si Jex. --- kapatid siya ni Tita Emma at tatay naman ni Fiona. "Is she your girlfriend ? Napakaganda niya , bagay na bagay kayo." Sabi ni tito kaya nagulat kami ni Sessai habang natulala naman si Jex tsaka napangiwi nang mag sink in sa berde niyang utak ang sinasabi ng tito namin.
"Tito naman." Nandidiring sabi ni Jex , natawa naman si Sessai habang nakahawak sa ibaba nang tenga niya at pinisil-pisil iyun.
I think mannerism na talaga ni sessai ang paghawak niya sa tenga niya at ang pagpisil niya duon , lage ko siyang nakikita na nakahawak duon nung pumunta sila dito
"Girlfriend siya ni Gio." Sagot ni Jex.
Nanlaki naman ang mata ni Tito Danty , naagaw din ni Jex ang atensyon nang iba naming tito at tita na mga pinsan na nila Papa kaya agad nila kaming nilapitan.
"Ikaw si sessai?" Nagugulat na sabi ni Tita Marie na pinsan nila Papa. "Aba totoo pala ang naririnig ko na maganda ka nga." Ngiting-ngiti na sabi niya at hinalikan sa pisnge si Sessai at niyakap pa ito sandali.
"Mas maganda pa din ako." Nakangiwing sabi ni Jex , hindi talaga nagpapatalo.
"Pasensya ka na hija , akala ko ay girlfriend ka na nitong si Jex." Natatawang sabi ni Tito Danty na humalik din sa pisnge ni Sai. "Bagay kasi kayo." Pang-aasar pa ni tito pero natawa lang si Sessai na halatang nangangapa din nang isasagot.
