----GERIAN
Mabilis kong pinunasan ang luha na dumaloy sa aking pisnge , ako na rin ang nagtabi nang mga ginamit ni Ate para gamutin ang sugat ni Ate Sessai na nakuha niya sa kanyang pagwawala kanina ..
Sobra ang kaba ko nang makita ko ang sarili niyang dugo na dumadaloy sa kanyang mga kamay kasabay ang pag-iyak niya at lalong nawalan nang boses dahil sa pagsigaw .. Kahit anung sigaw namin , kahit anung gawin naming pagpapakalma WALANG NANGYAYARI ! Ramdam na ramdam ko ang galit niya at instead na ibaling niya yun sa ibang tao -- isinigaw niya na lang lahat nang sakit at galit niya. Ang sakit , sobrang nasasaktan din ako kapag nakikita ko ang mukha niyang kitang-kita ang sakit lalo na sa kanyang mga mata.
Napaiwas ako nang tingin nang makitang may lumandas na luha sa kanya habang mahimbing pa din na natutulog.
"Kawawa naman ang alaga ko!" Umiiyak na sabi ni Manang at pinunasan ang luhang lumandas mula sa mata niya
."Kung hindi ko siya naturukan nang pang-patulog baka hanggang ngayon hindi natin siya maawat sa pagwawala." Sabi ni Ate Geraldine.
Tahimik lang akong nakatitig kay ate sai na natutulog sa kanyang kama , habang ang dalawang katulong nila ay abala sa pag-aayos at pagliligpit ng mga nasira at nabasag na gamit sa kanyang kwarto.
Kumuyom ang aking kamao nang dumapo ang aking mata sa picture frame na nasa bed side table -- picture iyun ni Zherlyn kung saan nakaakbay sa kanya si Ate at parehong matamis ang pagkakangiti.
PUTANG-INA Zherlyn , paanu mo nagawang saktan ang kapatid mo nang ganito ?
Bahagya akong nagitla nang hawakan ni Ate Geraldine ang aking kamay , umiiyak ko siyang tinignan , hindi man siya nagsasalita pero sinasabi nang kanyang mga mata na kumalma ako.
"Stop crying." Kalmado niyang sabi.
Pero mas lalo pa akong naiyak.
"Nasasaktan ako ate."
Marahan niya akong hinila palapit sa kanya para yakapin at hinagod nang paulit-ulit ang aking likod , pinapakalma ako.
"Wag mong ipapakita sa kanya na ganito ka dahil lalo lang siyang manghihina."
"Ate"
"Kakausapin ko si Kuya , ako na ang bahala!"
Lalong lumakas ang iyak ko , pati si manang ay lumapit na sa akin at inabutan ako nang tubig ngunit hindi ko iyun magawang inumin dahil sa patuloy kong pag-iyak.
"Sabi ko sa kanya..." Nabasag ang boses ko dahil sa pag-iyak. "Sabi ko wag niyang sasaktan si ate .. Sabi niya si ate lang ang papakasalan niya!" Lumakas ang iyak ko at pilit pa rin akong pinapakalma ni Ate.
"Wag ka na umiyak!" Bulong niya.
Nanatili kami sa ganung posisyon hanggang sa unti-unti ay nanghina ako at naupo na lang ako sa sofa dito sa kwarto ni Ate sai.
"Hindi ko alam na magagawa ni Zherlyn ang ganitong bagay." Si manang na nasa tabi muli ni Ate Sessai at paulit-ulit lang na hinahaplos ang buhok ni Ate sai.
Hindi ko talaga alam ang pwedi kong gawin kay Zherlyn dahil sa pagiging desperada niya.
"Kamusta ang kapatid ko ? Anung -- " Nahinto si Kuya Zac sa paglapit kay ate sessai nang makita ang kamay nang kanyang kapatid.
Tinignan niya kami nang nagtataka , kasunod niya din si Ate Zab na katulad niya ay nagugulat sa nakitang lagay ni Ate Sai.
Tahimik akong napaiyak.
