----
"HINDI ko nga siya gusto Zherlyn daine.."
Tumaas pa lalo ang kilay ng kapatid ko habang naka-krus ang mga braso sa dibdib at nakangiti ngunit halatang naiinis.
"Asa ka naman na maniniwala ako."
"Kelan ka ba naniwala sa akin?"
"So now you're galit na?"
"Sinu bang nagsimula?" Nahilot ko ang sintido ko dahil sa pagtatalo nila sa harapan namin na para bang wala kami dito.
"Kumain na tayo nang amusal."
Pagbasag ko sa pag-aaway nila. Pinaghila naman ako ni Gio nang bangko at itinabi iyun sa upuan niya , napangiti na lang ako lalo na't kunot na kunot na naman ang kanyang noo.
"Nasaan si Kuya , Zherlyn?" Tanong ko habang nilalagyan ni Gio nang pagkain ang plato ko.
Kumuha na din ako nang puting tasa para ipagtimpla si Gio nang kape niya. Nakahanda na din kasi yun sa lamesa kasabay nang ibang breakfast , ayaw niya kasi nang timpla nang iba at kahit ang ipagtimpla ang sarili niya ayaw niya din. Mas gusto niya daw talaga yung ako ang nagtitimpla nang kanyang kape tuwing umaga kahit hindi ko alam kung maayos ba talaga ang lasa.
"Maaga siyang umalis eh pero maaga daw siyang makakauwi mamaya.." Sagot ng kapatid ko na vegetable salad lang ang kinakain sa almusal.
Hanggang ngayon ay nagtataka pa din ako kung paanu siya nabubusog sa ganyang klase nang pagkaing ng kapatid ko araw-araw.
"Tatawagan ko na lang siguro.." Sabi ko at tinikman ng konti ang tinimpla ko ang kape ni Gio bago ko binigay sa kanya."Coffee mo babe.." Humigop siya agad duon at matamis na ngumiti 'tsaka ako hinalikan sa pisnge.
"I love you Babe.."
Ngumiti ako at hinalikan naman niya ang balikat ko.
"I love you too.." Nakangiti kong sagot.
Natawa naman ako nang marinig ko ang pagmamaktol nitong kapatid kong bunso.
"Hey , that's mine. Anu ba marcus." Mahinang sigaw ni Zherlyn , halatang nagpipigil ng inis.
"Gusto ko lang tikman."
"Gumawa ka nang sarili mong breakfast."
"Yung gawa mo ang gusto ko."
Napadaing sa sakit si Marcus nang hampasin siya ni Zherlyn sa braso.
"Masakit ah."
"Kaaga-aga sinisira mo ang araw ko. Bakit ka ba nandito?" Singhal nang kapatid ko.
Wala naman akong ibang nagawa kundi ang pakinggan na lang sila habang kumakain kami ni Gio nang almusal. Kahit tahimik siya ay halata namang nakikinig siya duon sa dalawa.
"Date."
"What?"
Sabay kaming nag-angat ni Gio nang tingin sa kanilang dalawa. Nakangiti si Marcus habang gulat naman ang mukha ng kapatid ko.
"You're asking me for a date?"
"Ayaw mo?"
"Gago ka ba?"
"Zherlyn." Nagbabanta kong sabi nang marinig ko ang sinabi niya. Ngumusuo naman siya at sumimangot nang tumingin siya sa akin.
"Si Marcus kasi eh.."
