----HINDI ko alam kung paanu na-proseso ni Kuya ang agaran naming pag-punta papuntang CEBU. Nagkaroon pa ako nang problema sa pagsakay nang eroplano dahil yun ang unang beses kong pagsakay sa eroplano na yun. Sa buong byahe namin sa itaas ay nakayakap lamang ako kay Kuya zac dahil sa sobrang kaba kasabay pa nun ang takot sa sitwasyon ni Gio ngayon.
"Susunduin tayo nang Van." Dinig kong sabi ni Kuya pero hindi ko manlang siya nilingon.
Suot ko pa ang damit ko sa Office. Nakarating ako nang Cebu na ito ang suot ko at wala manlang akong ibang dalang gamit o kahit isang pares lamang na damit para makapagpalit ako.
"Ayos ka lang ba?" Pinag-krus ko ang aking mga braso sa aking dibdib habang nasa ibaba ang tingin ko.
"Bakit ba sumama pa kayo dito?"
Hindi ko maintindihan kung bakit pa kailangang isama ni Kuya si Marcus dito sa Cebu lalo na itong si Engineer Perez na di ko alam kung bakit nasa Tarlac pa eh ang alam ko nasa Quezon na siya.
"Wag mo akong intindihin." Walang gana kong sagot.
Abala ang isip ko sa sitwasyon nang boyfriend ko. Hindi ko alam kung anung gagawin ko kapag nakita ko ang lagay niya basta ang hiling ko lamang ay sana maayos na ang lagay niya. Sobrang nag-aalala ako.
"Water." Si Engineer naman ang sumulpot sa kabilang gilid ko at inaabutan ako nang mineral water. "..namumutla ka kasi baka bigla kang bumagsak diyan." Sabi niya kaya naman tinanggap ko iyun nang walang imik.
"Lubayan niyo nga ang kapatid ko."
Binuksan ko ang mineral water na ibinigay ni Engineer at uminom duon habang si Kuya naman ay nakaakbay sa akin.
Ilang minuto pa kaming naghintay bago pa may tumigil sa tapat namin na isang Van na puti at lumabas sa Driver seat ang isang matandang lalaki.
"Sir." Bungad niya nang tuluyan na siyang makalapit sa amin. "Kayo po ba ang kapatid ni Ma'am zherlyn?" Sabi nito kay Kuya.
"Ako nga po."
Nakipag-kamay siya kay kuya at nakangiti namang tinanggap ni Kuya ang kamay niya.
"Ako po si Tonyo , ang nagbabantay po sa resthouse nila Sir.Franco dito sa Cebu."
"Nasan po si Gio.?" Pagpuputol ko sa sinasabi niya kaya bumaling ang tingin niya sa akin.
"Totoo po pala ang mga kwento ni Sir Gio tungkol sa inyo ma'am." Nagtatanong ang mga mata ko sa kanya habang siya naman ay matamis na nakangiti. "..totoo po palang maganda kayo at sa tingin ko po ay mabait po talaga kayo." Ngiting-ngiti pa na dagdag niya.
Hindi ko napigilan ang ngiti sa aking labi kahit na may bigat sa dibdib ko.
"Salamat po." Nakangiting sabi ko. "..pero gusto ko na pong makita si Gio." Naramdaman ko ang paghagod ni Kuya sa likod ko at hinalikan ang gilid ng ulo ko.
"Ihahatid ko po kayo."
"Salamat manong."
Si kuya na ang sumagot at inalalayan niya akong pumasok sa Van. Siya ang katabi ko at sumunod naman na pumasok si Marcus habang si Engineer Jairo naman ang sumakay sa front seat nang Van.
Lampas isang oras ang naging byahe namin bago kami nakarating sa hospital. Hindi pa manlang ako nakakalabas nang Van ay hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa kaba at takot na bumabalot sa akin. Hindi ko na din napigilan ang pagtulo nang aking luha habang tinatahak ang hallway nang hospital habang sinusundan namin si Manong tonyo at hawak ni Kuya ang kamay ko na maya't maya niyang pinipisil upang pakalmahin ako.