---GERIAN
Malakas na musika at iba't ibang kulay nang ilaw ang sumalubong sa akin pagpasok ko pa lang sa loob nang Bar ! Taas noo kong nilampasan ang mga lalaki na nililingon ang ganda ko habang hinahanap ang table nang mga kaibigan ko ..
Tumaas lang ang kilay ko nang makita ko na sila ! Wala pang alak sa table at mukhang kakadating lang din nila katulad ko !
"Finally." Biglang sabi ni Dennis nang maupo ako sa tabi ni Zyra.
"What now?" Mataray kong sabi.
Nagkatinginan sila "Girl ? Kung mainit pa ang ulo mo , pwedi i-relax mo muna ? Okay ? Nandito tayo para mag relax!" Mataray na sabi ni Zyra sa akin.
Dumating naman si Rhea na dala na ang mga drinks namin ! Katulad nang dati ay iba-iba na naman ang alak na gusto nila inumin.
"Kung hindi niyo matiis ang pagtataray ko , pwedi naman akong umuwi." Dagdag ko pa.
Kahit malakas ang music sa paligid ay dinig ko ang pagbuntong hininga ni Zyra.
"Nagkita na ba kayo ni....zherlyn?"
"No" mabilis kong sagot kay Rhea.
"Bakit hindi pa kayo nagkikita?" Hindi ko alam kung bakit lalo yatang uminit ang ulo.
"Kasi ayoko siyang makita?" Sarkastikong sabi ko. "At wag talaga siyang magpapakita sa akin dahil kahit nasa harapan pa din siya nang mommy niya ? Babasagin ko ang mukha niya." May pagbabanta sa tinig ko.
Hindi na ulit sila nagtanong pa nang mapansin ang init nang ulo ko ! Natuon na lang ang topic namin sa board exam na padating dahil katulad ko ay mag ti-take din kasi nang board exam sila Zyra at Dennis , tahimik lang ako habang umiinom at pinapakinggan sila , wala talaga ako sa mood na magsalita at makisabayan sa ingay nila ngayon , kahit ang mag focus sa exam ay hindi ko na magawa dahil sa dami nang tumatakbo sa isipan ko
"Kilala mo ba yung girl sa kabilang table?"
Pa-simple kong tinignan ang babae na tinutukoy ni Zyra , ganun na lamang ang pagtaas nang kilay ko nang maabutan ko ang pag-irap nito sa akin tsaka nakipagtawanan sa mga pangit niyang kaibigan ..
Gumapang lalo ang inis ko nang makita ko muli ang mataray na tingin nito sa akin muling pag-irap tsaka muling nakipagtawanan sa mga babaeng kasama niya sa table na para bang katawa-tawa kami.
"Anu girl ? Ready?" Bulong ni Zyra.
Ngumisi ako at tinanggap ang binibigay na tagay ni Rhea at nilagok iyun nang walang hirap tsaka sila nag cheer para sa akin.
Mataray akong tumayo at sinuklay pa ang aking buhok gamit ang mga daliri ko tsaka nilapitan ang table nila.
"Excuse me." Mataray pa din ang tingin nito nang mag-angat siya ng mukha sa akin.
"Yes?"
Matamis akong ngumiti sa kanya ganun din sa mga kaibigan niyang puno nang make-up ang mukha na nakatuon na din ang atensyon sa akin habang mahina pa rin na natatawa.
"Pinagtatawanan mo ba kami nang friends ko ? Hindi ko gusto ang pag-irap at pagtaas nang kilay mo kapag nakatingin sa amin at biglang makikipagtawanan na para bang nakakatawa kami." Mahina ulit itong natawa at nakipag-aper na naman sa babae na katabi niya tsaka naiiling at nakangisi nang muli niya akong tignan.
"And so ? Anung magagawa mo kung ganun ako tumingin?" Nang-aasar pang sabi niya kaya natawa na lamang din ako nang mahina.
"Ganun ka tumingin?"
