*****GIO
Huminto siya sa paglalakad nang mag ring ang phone niya !
" Hello ? Ito na nga pabalik na " Natatawang sabi niya sa kabilang linya " Oo na ito naman napaka-highblood " Natutuwa akong tignan ang bawat pagbabago nang expression sa mukha niya " Kumain lang ! Nilibre lang ako nang kakilala ko .. " Nilingon niya naman ako at nagtaas baba pa ang kilay niya kaya natatawa akong napapailing .. Kahit expression nang mukha niya ang kulit ! "Nababadtrip kasi ako sa kanya kaya iniwanan ko si Vin " Nawala na ang ngiti niya at bumusangot ito at nagsasabi-sabi na parang bata na sinisermunan nang mama niya ! Natatawa talaga ako " Tapos ka na mag sermon flor ? Ibababa ko na kasi malapit na ako sa kwarto natin " Naging mahinahon na ang boses nito at pinatay ang tawag ..
Nakangiti naman siyang nilingon ako pero hindi na umaabot sa mata niya !
" Sinung tumawag ? "
" Kaibigan ko ! Sini-sermunan ako eh .. Bakit daw di manlang ako tumawag"
" Im sorry "
" Wala yun ! Tsaka nag-aalala lang yun kasi namamaga kasi ang braso ko .. "
Mabilis kong tinignan ang mga braso niya at halata ngang namamaga ito ! Kahit na di ko hininge ang permiso na hawakan ang braso niya ay nagawa ko itong hawakan at marahang itaas ang kamay nang tshirt niya !
Nagulat ako nang malaking pasa at namumula ang braso niya ..
" What happen to your arm ? Bakit namamaga tapos ang laki nang pasa ! Hindi ko manlang napansin sana dumiretso tayo sa Clinic"
Natatawa naman siyang binawi sa akin ang braso niya ..
" Okay lang yan ! Wala lang yan .. Bukas wala na tsaka nalagyan na yan ni ate nang gamot"
" Kahit na ! Delikado pa rin baka lalong lumala yan ! Bakit di mo sinabi sa akin kanina?"
Sa gitna nang pag-aalala ko nagawa niya pang tumawa at kinurot pa ang ilong ko..
" Kahit anung expression nang mukha mo ang gwapo mo pa din " Napapikit ako nang mariin nang marinig ko na naman sa kanya ang sinasabi niya kanina sa akin " Naiinis o nag-aalala gwapo pa rin " Tila ba namamangha pa na sabi niya sa akin ..
" Stop it "
" Yayayayayaya ! " Pang-aasar niya at ibinaba ang sleeve nang tshirt niya " Alis na ako salamat sa oras mo ha ! Mag start na ang party ni Jas eh .. Aayusan pa daw nila ako kaya mauna na ako sayo" Nakangiting sabi niya sa akin ..
" Pero yung braso mo ----- "
" Sundin mo yung sinabi ko sayo kanina ha ? Magpahinga ka ! Iwasan mo ang mag-isip nang kung anu anung bagay para naiiwasan mo ang stress .. Tignan mo yang mukha mo" Nagulat ako nang hawakan niya ang mga pisnge ko at parang pinag-aralan pa ang mukha ko .. " Halatang pagod ka dahil bagsak ang mata mo pero gwapo pa din " Bumasangot ako sa sinabi niya ..
" Kahit bumusangot ka gwapo ka pa rin "
^_____^
" Sobra ka na ha " Natawa naman siya sa sinabi ko .. " Samahan na muna kita sa Clinic ! Kumpleto naman sa gamit ang clinic dito sa resort samahan na kita " Bumuntong hininga naman siya at kinuha ang phone niya sa bulsa nang pedal niya ..
" Ibigay mo sa akin number mo "
O____O
" Ha ? My number ? Bakit ? "
![](https://img.wattpad.com/cover/212171320-288-k277771.jpg)