Chapter 18

857 24 0
                                    


----

Tumakbo ang maghapon ko kasama si Meng ! Hindi na ako pumunta sa Clinic ni Ate nung tanghali dahil sabi niya ay wala naman daw masiyadong gagawin ..

Alas singko nang hapon nang magpaalam ako kay Meng na uuwi na ako , syempre bilang bayad sa pagtulong ko sa kanya maghapon ? Ibinili niya ako nang dalawang malaking chuckie kaya tanggal agad ang pagod ko .. Maghapon din naman na nakakatext ko si Gio pero hindi dire-diretso dahil busy nga siya !

Pagdating ko sa bahay ay nandun si Ate at nagluluto na nang hapunan !

" Ate " lumingon siya sa akin !

Bagsak na naman ang mata niya na akala mo'y pinagsakluban nang langit at lupa ..

" Ate ? Ayos ka lang ? Pasan mo ba ang mundo ate ha ? " Hindi ako agad nagbihis at tumabi sa kanya habang naghahalo siya nang niluluto niya ..

" Ayos lang naman " sagot niya nang di ako nililingon ..

" Bakit parang matamlay ka ? Masama ba ang pakiramdam mo ate ? "

" Ayos lang ako " Hindi pa rin siya tumitingin sa akin at kumuha nang malaking mangko para ilagay ang adobo .. " Dito daw ba maghahapunan si Gio ? " Medyo nasasaktan ako sa inaasta ni Ate ..

Nitong mga nakaraang araw kasi palage na lang siyang ganyan ! Hindi ko naman siya maintindihan kasi hindi naman siya nagsasabi sa akin kung anung problema niya ..

" Tatawagan ko pa lang!"

" Sige tawagan mo na ! Magpalit ka na din nang damit dahil basa ka ng pawis .. "

" Sige ate "

Pumasok ako sa kwarto at nagpalit nang sando habang nagriring pa ang phone ni Gio at hinihintay kong sagutin niya ang tawag !

Nag short din ako nang maong na may kupas pa sa bandang hita .. Si Ate Sally kasi pinatakan daw ba naman nang zondrox !

" Hello "

Nagulat ako sa boses nang babae na sumagot sa tawag ..

" Ah hello po!" Nag-aalangang sagot ko ..

" Si Lhey ito ! Si Gio ba ang hinahanap mo?"

" Oo sana ate!"

" May tatlo kasing dumating na tao ! Nag me-meeting sila ngayon eh .. Hindi ko alam kung anung oras matatapos ! Medyo kasisimula lang kasi nila!"

Napaupo ako sa kama ko !

" Sige ate ! Itatanong ko sana kung dito siya kakain nang hapunan .. "

" Sabi niya after ng meeting pupunta siya diyan ! Kahit anung oras daw matapos .. Pinapasabi niya din na kumain daw siya nang Meryenda kanina ! Hindi siya nakareply sayo kanina kasi busy siya sa pakikipag-usap sa gumagawa dito sa Resort .. Pinapasabi niya din na MIS NA MIS KA NA DAW NYA!" Napangiti ako at napahiga sa kama ko !

Kinikilig ako kahit na hindi ko mismo sa kanya narinig , yung ibilin lang sa iba para ibalita sa akin na ayos lang siya ay parang hinahaplos ang puso ko dahil ayaw niya akong mag-alala

" Pakisabe ate na mis ko na din siya!"

" Ginawa niyo pa akong messenger ha!"

Natawa ako !

" Sige na ako na ang magsasabi ! May mga aasikasuhin pa kasi akong guest .. "

" Sige ate ! Salamat po!"

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now