Chapter 23

784 27 2
                                        


---

JAS

Inubos ko ang natitirang alak sa baso ko at nakangiti lang habang pinapanood ang mga kaibigan ko na mga lasing na at nagkakantahan ! Maliban kay Sessai na nasa may gate nila Meng at may kausap sa phone .. Si Flor na kanina pa umuwi dahil may anak at si Meng na kumakanta habang katabi ang boyfriend niya na bestfriend ko ..

Napaiwas ako ng tingin nang lumingon siya sa akin ..

" Tagay ko pa " Nakataas ang kilay nang pinsan kong si Rolando sa akin !

" Tama na jas ! Madami ka nang naiinom .. Ihahatid na kita!" Ngumiti ako at tinapik lang siya sa balikat tsaka ako nagsalin muli nang alak sa baso ko !

" Kaya ko rol ! Ako pa ba ? Mamaya na tayo umuwi ! Alam naman ni papa .. "

" Pero hindi niya alam na magpapakalasing ka nang sobra .. " Naiiling na sabi niya kaya tinawanan ko siya !

" Ako bahala kay papa ! Tsaka pwedi naman na dito na lang ako kela meng matulog!"

Pinisil niya ang ilong ko at muling nakipag-tawanan kela Gleen at JP na inaasar si Dada na nakita daw na may babae kaya nanahimik naman ang girlfriend nitong si Jeneper ..

" Uyy!" Napalingon ako kay Sessai nang umupo ito sa tabi ko ..

" Nandiyan na si Ate ! Sinusundo na ako .. "

Nagtaka ako !

" Akala ko ba pinayagan kang dito matulog?"

" Pinasundo ako ni Gio .. " natawa ako at ginulo ang buhok niya dahil pulang-pula ang mukha niya ..

" Sige na ! Ingat ka ha " ngumiti siya at niyakap ako nang mahigpit tsaka niya ako hinalikan sa pisnge ..

Isa ito sa na-miss ko kay Sessai , sa amin kasing apat siya ang pinaka-malambing ! Makulit , madaldal , malakas kumain kahit ang payat-payat ! Siguro dahil apat at tatlong taon ang tanda namin sa kanya kaya bunsong-bunso namin siya ..

" Babawi ako sayo bukas ! Promise!" Parang bata na sabi niya ..

" Sige na ingat ka " ngumiti ako sa kanya !

Nagpaalam din siya sa buong barkada namin bago siya lumabas , hinatid pa siya ni Meng at JM sa labas para kausapin siguro si Ate Sally na tanaw kong nakasakay sa motor niya ..

Tumayo ako para pumasok sa loob nang bahay nila Meng at dumiretso sa kusina ! Nagulat pa ako nang makita ko sa duon si Tita Mellisa ang mama ni Meng !

" Hey tita " Natawa ako nang magulat siya sa biglang pagpasok ko !

Kinurot tuloy niya ako bewang kaya napalayo ako agad sa kanya !

" Kamusta po kayo?" Ngumiti siya sa akin at nagpunas nang kamay sa tela na nakasabit sa hawakan nang ref nila ..

" Ayos lang naman , abala ako sa pwesto namin nang business ni Meng sa bayan tsaka sa manila .. "

" Yeah tita i heard nga po na magbubukas na din daw ako nang M-Cupcakes sa Bayan ! Congrats tita , im so happy!" Yumakap ako sa kanya at hinalikan siya sa pisnge ..

Bahagya pa kaming natawa nang muntik akong matumba !

" Naku jas lasing ka na "

" Ops ! Na-ah " humalakhak ako ! " Im not lasing tita mellisa .. Kaya pa!" Tumatawang sabi ko ..

Pinaupo ako ni Tita at kumuha nang water sa ref tsaka ako pinagsalin sa baso .. Agad ko naman yung ininom tsaka muling tumawa nang maubos ko ang tubig sa baso ..

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now