Chapter 77

778 32 8
                                        


----

"Mag-iingat ka sa flight mo."

Bumuntong hininga siya at humarap sa amin habang nasa tabi niya ang maleta niya.

Paalis na kasi siya ngayon , tinapos nya lang talaga ang wedding nang tita emma niya bago siya bumalik sa canada , may naiwan kasi siyang trabaho kaya kailangan na talaga niyang bumalik sa canada.

"I want to stay here pa." Malungkot na sabi nya at yumakap sa braso ko.

Mahina akong natawa at tinapik nang mahina ang pisnge niya , mas natawa pa ako sa nakangiwing mukha ni Gerian na para bang diring-diri sa paglalambing ng ate niya.

"Hindi bagay sayo ang mag-inarti."

"Selosa."

Singhal niya sa kapatid niyang bunso pero tinaasan lang siya nito nang kilay.

"Message mo kami kapag nakarating ka na sa canada." Nakangiting sabi ko. "Basta kapag hindi ka busy message mo lang kami." Dagdag ko at niyakap siya sandali.

"Ikaw na bahala kay kuya at dito sa bunso naming pasaway." Tumango ako. "..and please ate , alagaan mo din ang sarili mo." Ngumiti ako at tumango ulit.

"Yes doktora , masusunod po." Ngiting-ngiti na sabi ko sa kanya.

"I have to go na , tatawagan ko kayo kaya sana sagutin niyo , wag kayong suplada."

Pareho kaming natawa ni Gerian sa pag-tataray nang ate niya.

"Mag-iingat ka ate."

"Ikaw na ang bahala kay kuya."

Ngumiti si Gerian at niyakap ang ate niya tsaka nito hinalikan sa pisnge. "Ako na ang bahala kay kuya kaya wag ka na mag-worry , magpahinga ka din -- baka naman maging pasyente ka pa sa hospital na pinapasukan mo niyan." Tumango si Geraldine at hinalikan ang kapatid niya sa pisnge.

"Wag kang masiyadong ma-pressure sa board exam mo , kaya mo yun." Biglang lumambot ang ekspresyon nang mukha ni Gerian at sumubsob sa leeg nang ate niya .. "Kahit anung maging result nun , proud pa din ako sayo kahit wagas mo akong laitin." Mas ibinaon pa nito ang mukha sa leeg ng ate niya kaya natawa ng mahina si geraldine pero halatang nagpipigil nang pag-iyak.

Tinignan ako ni Geraldine habang yakap pa din ang kapatid niya.

"Im sorry ha." Kumunot ang noo ko sa biglang pagsasabi niya nang sorry. "Sorry dahil hindi maganda ang una nating pagkikita , im so sorry ate." Ngumiti ako sa kanya.

Bumitaw si gerian sa yakap niya kay ate niya habang nagpupunas nang luha.

"Wala yun , naiintindihan ko naman eh kasi hindi naman natin kilala ang isa't isa noon."

"Sorry pa din , i know na naging masama ang trato ko sayo." Nanatili ang ngiti ko.

"Tama na ang sorry , hindi naman ako galit."

"Yun na nga eh , hindi ka nagagalit."

"Nagagalit ako ah."

"Hindi maman halata."

Pareho kaming natawa.

"Sige na , alis na ako."

"Mag-iingat ka."

"Take care ate."

Tumalikod na siya sa amin hila ang kanyang pink na maleta , yumakap naman sa braso ko si Gerian habang tinatanaw namin ang ate niya na naglalakad na palayo sa amin.

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now