Chapter 3

1.9K 55 4
                                        


---

SESSAI

Dire-diretso akong lumayo sa kwarto na yun ! Hinahanap ko naman si Flor pero hindi ko naman sila makita nang anak niya ..

" Saan naman kaya pumunta yun?" Bulong ko

Naglakad-lakad ako sa tabi ng dagat ! Marami din ang tao dito sa resort at halos karamihan sa kanila parang dayo lang dito para magbakasyon at mag relax .. May mga nakahiga sa buhanginan para magbilad sa sikat nang araw ! May naliligo sa dagat at iba naman ay naglalakad-lakad lang din katulad ko dito sa tabi nang dagat medyo malayo sa tubig baka may demonyong biglang sumulpot sa tabi ko itulak ako sa dagat .. Tinatamad pa naman akong maligo ^____^

" Hoy babaeng suplada" Huminto ako sa paglalakad at nilingon si Vin .. .

" Anu na naman ba Vin ? Para kang garapata sunod ka nang sunod .. "

" Anung garapata ? " Nakangiwi niyang tanong

" Edi anu pa ! Yung peste sa balat nang aso "

" So sinasabi mong ikaw ang aso?" Naningkit ang malaki kong mata sa sinabi niya ..

" Hindi ! Ako yung taong titiris sayo .. Peste ka nga kasi diba?"

" Grabe talaga ! Pagdating sa iba ang sweet mo pero pagdating sa akin ? Ang suplada mo ! Kelan ka ba magiging mabait sa akin?"

" Sabi ko naman sayo Vin ! Lubayan mo ako .. Nakakainis ka ay" Tinalikudan ko na siya at naglakad na palayo pero ang loko sumabay pa sa paglalakad ko !

Dedma na lang ako at inubos ang chuckie na iniinom ko .. Ayokong masira ang araw ko ! Bakit kasi wala si ate dito edi dapat nasapak na niya ang lalaking ito !

" Sasamahan na kitang maglakad-lakad"

Hindi ako sumagot ! Nanatili akong nakatingin sa mga taong masasayang nag b-bonding habang abala din ang bibig ko sa pag-ubos nang Chuckie ..

" Saan ka ba pupunta ? "

" Pupunta ba ate mo ? "

" Hey Sai ! Answer me naman "

" Sessai .. "

" May bibilhin ka ba ? "

" Saan ba punta mo talaga?"

Napangiti ako nang huminto siya sa paglalakad ! Yes ! Sumuko na siya !

" Hoy ito naman sagutin mo naman ako"

" Bakit ? Manliligaw ka ba niya?"

O____O

Nahinto ako sa paglalakad at agad kong nilingon ang familiar na boses na yun ..

Lalong nanlaki ang mata ko nang makita ko ang may-ari nang boses na yun ..

" Excuse me ? " Parang naiinis na tanong ni Vin dun sa lalaki na nakangiting nakatingin sa akin ? Andooo Ginoo ! Kagwapong nilalang naman po talaga .

" Sabi ko manliligaw ka ba niya para sagutin ka niya ?" Nakangiting sabi na naman nung lalaki ..

Nakagat ko ang ibabang labi ko kasi hinarap na siya ni Vin at kumukuyom ang kamao nito

" Inulit mo pa talaga?"

" Akala ko kasi di mo naintindihan kaya inulit ko uli ang sinabi ko .. " Inosenteng sabi na naman niya pero nandun pa rin ang ngiti niya na nagpapalabas nang dimple niya ..

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now