----
Mabigat ang pakiramdam ko nang magising ako , nakatitig lang ako nang matagal sa nakahawing kurtina sa malawak na bintana nang aking kwarto at tamad na tamad bumangon. Mataas na ang sikat nang araw at tumatama na iyun sa malaki kong kama at sa sahig nang aking kwarto.
Wala na si Gio sa tabi ko dahil maaga siyang umalis kanina dahil papunta siya sa ngayon sa Pangasinan para sa isang meeting. Hindi nga ako makabangon kanina dahil mabigat talaga ang pakiramdam ko , ayaw niya din sanang umalis dahil nag-aalala siya sa akin pero sabi ko ay ayos lang ako. Marami din kasi akong meeting ngayong araw kaya kailangan ko pumasok sa opisina.
"Anak." Hindi ko magawang tignan si Manang nang marinig ko ang boses niya. Umupo siya sa gilid nang kama at duon ko lang siya nakita na nakangiti sa akin. "..bumangon ka na anak para maka-kain ka na nang almusal. Tumawag si Gio sa landline , sabi niya gisingin na kita para maka-kain ka at makainom ka nang gamot mo." Nakangiting sabi ni Manang at hinawi ang magulo kong buhok na nakaharang sa aking mukha.
"Mabigat po ang pakiramdam ko manang , ayoko po sanang bumangon.." Tamad na sabi ko sa kanya at ibinaon ang mukha sa yakap kong unan.
"Pero anak , lalo kang manghihina kung hindi ka kakain ng almusal.." Nag-aalala na sabi ni Manang at inalis ang unan sa yakap ko.
"Manang.."
"Tatawagin ko na lang ang kuya mo para madalhan ka niya nang almusal mo."
Ngumiti ako at tumango.
Ilang araw nang ganito ang pakiramdam ko tuwing gigising ako nang umaga. Pakiramdam ko ay magkakasakit ako palage , nahihilo at mahapdi ang sikmura na parang gusto kong sumuka kahit wala akong naka-kain. Dati naman ay malakas akong kumain ngunit ngayon ay nawawalan talaga ako nang gana. Madalas ay nakakatapos pa lang ako nang isang meeting ay pagod na pagod na ako , gusto ko na lang matulog at mahiga maghapon dahil pakiramdam ko ay napakabigat nang katawan ko.
Habang abala din kami sa trabaho ay nagagawa pa din naming asikasuhin ang mga kailangan sa kasal namin.
"Babygirl.."
"Ateee."
Nagmulat ako muli nang aking mata ng marinig ko ang boses nang mga kapatid ko.
"Si Gio ang nagluto nang almusal , ayaw mo ba talagang kumain.."
"Kuya naman eh." Pagmamaktol ko pero narinig ko lang ang pagtawa nilang dalawa.
Hinila ni Zherlyn ang braso ko para makatayo ako mula sa pagkakahiga ko kaya naman tamad akong naupo sa kama. Pinisil-pisil pa ni Zherlyn ang pisnge ko at ngiting-ngiti , halatang natutuwa sa pagsimangot ko. Si Kuya naman ay abala sa pagsuklay nang mahaba at magulo kong buhok.
"Kayo na lang ang kumain.." Tamad na sabi ko sa kanila at hihiga na naman sana ulit kaso hinila agad ni Zherlyn ang kamay ko.
"Zherlyn ha."
Napakamot ako sa makapal kong kilay dahil tinawanan lang ako ni Zherlyn.
"Alam mo ba ate kapag tinatamad ako na kumain , si Kuya binubuhat niya ako."
"Oh tapos?" Pagsusungit ko pero katulad kanina ay nakangiti lang siya.
"Kaya bubuhatin kita.." Biglang sabi ni Kuya na dahilan nang pagkagulat ko.
"Anak nang ! Ayaw ko kuya--"
Napatili ako nang bigla akong buhatin ni Kuya at nagawa niyang makatayo nang walang hirap na para bang ganuon talaga ako kagaan.
YOU ARE READING
PROBINSYANA (1)
Roman pour AdolescentsHindi problema dito ang pagiging PROBINSYANA KO !
