---SESSAI
Nag-aagaw ang liwanag at dilim nang magising ako .. Maingay na din ang alagang manok sa kapitbahay at maingay na din ang bibig ni Manong Dadoy dahil sa pagbebenta niya nang pandesal sa labas ! Itinaas ko ang buhok ko kahit hindi pa nasusuklay at kinuha ang phone ko .. Nagtipa ako nang message kay Gio bago ko sinaksak sa speaker ang phone ko at nagpatugtog dun !
Nagsimula akong maglinis sa loob nang bahay , nang pumutok ang araw ay sa harapan at likudan naman ako naglinis ! Matapos kong maglinis ay pumasok ako sa loob para kumuha nang pamunas sa pawis ko dahil basang-basa na ang suot kong sando .. Binago ko ang pagkakataas nang buhok ko at muling kinuha ang phone ko ! Sakto namang lumabas si ate na nagkukusot pa nang mata niya at humihikab pa ..
" Nag-almusal ka na ba?" Bungad niya sa akin at dumiretso sa kusina ..
" Magluluto pa lang sana ako ate eh kasi katatapos ko maglinis nang Bahay!" Sagot ko at binasa ang text ni Gio ..
Maliligo lang ako ! Sabay na tayo mag breakfast ?
Ngumiti ako ang nagtipa nang reply sa kanya!
-- Sige dito ka na kumain ! Ingat ka !
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang mabasa ko ang sumunod niyang text para lang mapigilan ang pag-ngiti !
- Can't wait to see you ^_^ Imissyou already ! Goodmorning .. See you !
Nakangiti kong binitiwan ang phone ko at hinayaang tumugtog iyun ! Abala na si Ate sa paghahanda nang almusal nang pumasok ako sa Kusina ..
" Ate dito daw kakain si Gio ng breakfast!"
" Sige ! Dadagdagan ko na lang ang almusal!"
" Maganda nga dun rice ang kinakain ! Nasabi niya kasi na kape lang ang lage niyang almusal .. Pasaway!" Nilingon ako ni ate nang nakangiti .. " Anu na namang klaseng tingin yan ate ? Masiyado pang maaga para asarin ako ate ! Maawa ka!" Natawa naman si ate naglagay na nang bunot nang niyog sa kalan at nilagyan nang uling tsaka nagsindi nang apoy sa papel at nilagay sa ilalim nang kalan para lumikha na ito nang usok at mabilis na magka-apoy sa uling ..
" Nakakatuwa kasi kayong dalawa ! Posible pala na makilala mo ang isang tao sa sobrang iksi nang panahon no?" Nagsaklang na siya nang kawali sa kalan at nagbukas na nang cornbeef ..
" Ewan ko ate ! Basta parang kilalang-kilala ko na siya eh .. Di ko naman maipaliwanag kung paanu at bakit!" Nakangiting sabi ko !
Lumingon si ate sa akin matapos niyang igisa ang bawang at sibuyas tsaka nilagay ang cornbeef sa kawali at nagbasag na din nang itlog ..
" Bagay naman kayo ! Nakakatuwa kayong tigna .. Siguro papayag lang ako na malayo ka sa akin kapag si Gio na ang makakasama mo habang buhay ! Panatag ang loob ko" Parang hinaplos ang puso ko sa sinabing yun ni Ate!
" Gusto ko siya para sayo , nakikita ko kasing aalagaan ka niya higit pa sa pag-aalaga namin sayo nila nanay at tatay noon!" Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Ate .. Nanatili lang akong nakahawak sa sandalan nang bangko at pinapanood siya sa bawat kilos niya sa kusina !Ilang minuto ang lumipas at may narinig na akong busina sa labas ! Mula sa kusina ay nakita ko sa bintana si Gio na bumababa nang kotse niya ..
" Nandiyan na si Gio ate!"
" Sakto nakapagluto na ako!"
" Lalabasin ko lang siya ate!"
" Sige ! Sabihin mo kakain na !"