---
SESSAI
Nagising ako nang maramdaman kong may pumipisil sa ilong ko at sumasampal sa pisnge ko ! Mabigat ang talukap nang mata ko at di ko magawang imulat nang maayos ..
Napangiti ako nang makita ko si Hailey na tuwang-tuwa na hinahampas ang mukha ko!
" Tanghali na uyy .. Gising na!" Umangat ang tingin ko kay Flor na naka-upo sa gilid nang kama at hawak ang tshirt ni Hailey sa likod !
Ngumiti ako at humalik kay Hailey bago bumangon ! Binuksan ko ang bintana at napapikit nang maramdaman ko ang hapdi sa mata ko dahil sa sikat nang araw .. Itinaas ko ang buhok kong di pa nasusuklay at muling lumuhod sa kama para halikan si Hailey sa pisnge kaya tuwang-tuwa naman ito ..
" Kanina pa kayo?" Napangiwi ako nang mapaubo ako dahil sa pagkati nang lalamunan ko at wala pa akong boses !
" Oh ! Ayos ka lang?" Tumango ako habang umuubo pa din !
" A-ayos lang!" Nabasag ang boses ko at napailing dahil wala talaga akong boses ..
" Tara na sa labas para maka-pag almusal ka na at maka-inom nang gamot .. " ngumiti lang ako at hinintay sila ni Hailey na makatayo sa kama ko !
Ako ang nagbukas nang pinto at pinauna ko sila na lumabas ! Sumalubong sa akin ang ingay ni Jas at Meng sa kusina .. Lumingon sila agad sa amin at ngumiti kaya napangiti lang din ako at lumapit sa kanila !
" GOODMORNING BABYGIRL!" natawa ako sa sabay na sigaw nung dalawa habang inis na inis na naman si Flor !
" Kailangan ipagsigawan ? Natatakot ang anak ko sa inyo!" Pagsusungit ni Flor !
Tinignan ko ang lamesa na may mga nakahayin na pagkain !
" Anung meron at ang dami niyo yatang niluto ? Mukhang masarap din ah!" Hirap na hirap akong magsalita dahil kumakati ang lalamunan ko at napapaubo ako !
Idagdag mo pa ang pagkabasag ng boses ko!
" Syempre baka naman may pag-asa ka pang tumaba diba ? Mahiya ka naman sa katawan namin Sessai!" Baliw talagang Jas ..
" Ganda nga nang katawan niyo , kulang naman sa height!" Natatawang sabi ko at umubo na naman kaya agad akong inabutan ni Meng nang isang basong tubig !
Ako naman kasi talaga ang pinaka-mataas sa aming apat ! Sumunod si Jas na hanggang tenga ko lang habang si Meng at Flor naman ay lumampas lang nang konti sa balikat ko ..
" Ewan ko sayo kumain ka na nga!"
" Kumain na kayo?" Tumango sila !
Tumikhim ako dahil nagbabadya na naman ang lalamunan ko sa pag-ubo .. Bwesit !
" Nasan si Ate?" Mahinang tanong ko!
Nagkatinginan naman sila at tila nag-aalangan kung sinung sasagot ..
" Nasa clinic siya ! Sandali lang naman daw .. Kumain ka na!" Tipid lang akong ngumiti !
Lalo silang naging tahimik , hindi na ako nag-abala na magtanong kung bakit ! Umupo ako at naglagay nang pagkain sa plato ko ..
Umupo din sila Meng at Jas habang si Flor ay nanatiling nakatayo at nilalaro ang anak niya !
Prutas na lang ang kinakain nila ..
" Babalik na ako sa manila bukas eh ! Duty na ako ulit .. " Pagbasag ni Jas sa katahimikan!
" Akala ko 3days ka dito?" Napangiwi ako nang umubo na naman ako .. " Ikalawang araw mo pa lang diba?" Tumikhim ako at uminom nang tubig ..
