Chapter 64

659 30 9
                                        


-----

"Anung nangyari sa kamay mo Mahalko?"

Napakalambing nang boses ni Gio at ang sarap nun sa pakiramdam , feeling ko ay nawala ang lahat nang sakit na naramdaman at naranasan ko nitong nakaraan lang dahil sa lambing nang boses niya at pati na ang yakap niyang mahigpit sa akin.

Totoo nga ang sinabi ni Kuya -- siya talaga ang pahinga ko , siya ang lakas ko.

"Wala lang ito."

"Babe" Ngumiti ako sa kanya habang bagsak ang mga mata niyang nakatitig sa akin na para bang pagod na pagod iyun at sobrang lungkot. "Im so sorry." Tumulo muli ang kanyang luha at hinalikan ang mga kamay ko na may benda. "Sorry dahil nasasaktan ka nang sobra ngayon , im so sorry." Niyakap ko siya nang mahigpit ng isubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Mahal na mahal kita sessai ko."

"Alam ko yun." Napapikit ako nang marinig ang kanyang paghikbi. "Sabi ko naman sayo hindi mo kailangang mag sorry at magpaliwanag dahil wala kang kasalanan mahalko." Dagdag ko at kumalas sa yakap niya , hinaplos ko ang pisnge niya at hinalikan ang kanyang noo, kayang-kaya ko yung halikan nang walang hirap at titigan nang malapitan ang kanyang mukha dahil nakaupo pa din ako sa table at nakapantay ang kanyang mukha sa akin. "Mas mahal na mahal kita babe , mahal na mahal sobra." Hindi ko na din napigilan ang lumuha habang nakatitig sa mga mata niyang kitang-kita ang sakit.

Ngunit kahit lumuluha ay pinilit kong ngumiti.

"May gusto lang sana akong marinig mula sayo babe?" Puno nang emosyon na sabi ko.

Hindi siya sumagot pero sapat na yung titig niya na parang bumabaon sa kaluluwa ko at hinahaplos ang puso ko.

Hindi ko alam kung bakit ang sakit nang titig niyang iyun sa akin ngayon.

"Pwedi ba..." Pumiyok ang boses ko kasabay nang paglakas nang aking hikbi. "..pwedi ba na kahit anung mangyari sa mga susunod pang araw ? PILIIN MO AKO!" nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga mata niyang hindi maalis sa akin ang tingin.

Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak at humikbi na parang bata sa kanyang harapan , hanggang sa hinawakan niya ang pisnge ko

Napapikit ako nang maramdaman ko ang halik niya sa aking noo. "I love you Babe." Bumaba ang halik niya sa aking ilong. "I love you sweetheart" hanggang sa pati ang mga mata kong nakapikit ay hinalikan niya. "I loveyou Mahalko , forever and for always" nakagat ko ang aking ibabang labi nang halikan niya ang magkabila kong pisnge "Mahal na mahal kita sessai." Binuksan ko ang aking mga mata nang di ko na maramdaman ang mga halik niya sa aking mukha.

Nagtama ang aming mga mata pagkamulat ko , nakangiti na siya at hindi inaalis ang titig niya sa mukha ko.

"Kahit hindi mo hilingin babe , araw-araw kitang pipiliin." Duon muli akong napaluha at halos talunin ko ang pagyakap sa kanya at ibaon ang aking mukha sa kanyang leeg.

Hinaplos niya ang aking buhok nang paulit-ulit habang di ko mapigilan ang aking pag-iyak.

"Kung di ka man tanggap nang mundo at pilit na sinasaktan nang ibang tao .. Nandito lang ako ! Pipiliin kita sa araw-araw at bawat segundo na kalaban mo ang mundo." Sinsero na sabi niya at napakalambing nang kanyang tinig. "..kapag inayawan ka nang lahat babe , tandaan mo palage na hindi ako kasali sa lahat na yon mahalko." Bumuhos pa lalo ang aking mga luha.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at mabilis kong hinalikan ang kanyang labi tsaka ko muling sinalubong ang mata niya.

"Kung dumating ka man sa punto na maramdaman mo bigla yung pagod?" Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang pisnge habang nagpapalipat-lipat ang aking tingin sa kanyang mga mata. "Sana sapat na akong dahilan para hindi ka sumuko o kaya'y hindi mo ako sukuan." Hindi na ako nag-abala pa na punasan ang aking luha kahit na ba malabo na si Gio sa aking paningin. "Dahil kahit mapagod man ako ? O kaya'y ubusin nang mundo ang buong lakas ko ? Yakap mo lang ang kailangan ko para hindi ako sumuko." Tsaka ko muling hinalikan ang labi niya at malokong kinagat iyun kaya napangiwi siya.

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now