---SESSAI
Sobrang tahimik nang clinic ngayon ! Katatapos ko lang ding makipag-usap kay Gio sa phone call habang kumakain kami nang tanghalian , after lunch kasi may appointment daw siya sa Capas Tarlac ! Tatawagan na lang daw niya ako after nang mga appointment niya ..
Nasanay na ako sa ganung routine namin araw-araw ! Sa loob nang isang linggo na wala siya dito ay unti-unti na nasasanay ako ! Pagkagising ko pa lang nang alas singko nang umaga ay naka-online na ako para makapag-message sa kanya ! Hindi ko siya tinatawagan dahil alam kong puyat siya palage .. Sa tuwing magkakausap kasi kami ay hindi na namin namamalayan ang oras ! Lage niya akong nakakatulugan pero bumabawi naman siya kapag di na siya busy !
Magugulat na lang ako na may video na siya sa timeline ko sa facebook at naka-private para ako lang ang makakita !
Bago siya pumasok sa office ay tatawag na siya sa akin habang nasa byahe at papatayin niya ang tawag kapag nasa Office na o kaya minsan sa RESTAURANT siya sa pampangga maghapon , duon nakakausap ko siya nang madalas at matagal lalo na kapag wala siya sa kusina at nasa Office niya lang !
Kung di man siya makatawag o di siya makasagot sa call ko , mag-oonline siya para imessage ako ! Kahit minsan ilang minuto siya bago makapag-reply dahil busy siya ay naiintindihan ko dahil alam kong marami siyang inaasikaso sa trabaho ..
Bawing-bawi naman palage pagdating nang 6pm kasi wala na siyang trabaho at nasa bahay na siya nang ganung oras hanggang sa makatulugan na namin ang pag-uusap !
" Nurse sally!" Nahinto ang pagmumuni-muni ko nang may pumasok na matandang babae !
" Magandang hapon po Nanay tila!" Pagbati ko sa kanya at ngumiti naman siya ..
Nagmano ako sa kanya at inalalayan siya !
" Naku ! Ikaw pala sessai .. Nasan ang ate mo ? May kailangan kasi ako!"
" Wala po siya eh ! Nasa bayan , may inaasikaso daw po siya!" Nakangiting sabi ko at lumapit sa kanya .. " Maupo muna kayo nanay ! Anu po bang kailangan niyo?" Pina-upo ko siya sa upuan na nasa harapan nang table ni Ate Sally ..
" Sabi niya kasi bumalik ako ngayon para sa gamot ko sa highblood .. Kaya ngayon ako bumalik ! Dapat kanina pang umaga kaso wala naman akong makakasama!" Duon ko lang napansin ang binatang lalaki na kasama niya at nakasandal sa motor na blue !
" May resita po kayo nay?"
" Meron nak!" May kinuha siya sa medyo luma na niyang wallet at ibinigay sa akin ..
Binasa ko naman yun at tinungo ang lagayan nang gamot ni Ate habang pinapakinggan ko siya sa may likudan ko ..
" Pumunta kasi ako sa bayan kaso ang mahal naman ! Naalala ko pinababalik ako dito ni Nurse sally para sa libreng gamot .. " Nakangiti akong bumalik sa table ni ate at inilagay sa isang lagayan nang gamot na gawa sa papel ang gamot na kailangan niya !
" Ito na po nay ! Sasabihin ko na lang po kay Ate sally na pumunta na po kayo dito .. " Ngumiti siya sa akin !
" Salamat sessai ! Pakisabe na lang din kay Nurse sally na salamat .. "
Ngumiti lang ako at hinatid na siya sa labas .. Ngumiti din sa akin ang kasama niyang lalaki at inalalayan si nanay tila !
" Ingat po kayo sa pag-uwi!"
" Salamat po ate!" Sa tingin ko ay nasa edad kinse lang ang lalaking kasama ni Nanay tila
" Wala yun ! Ingat kayo!"
