Chapter 62

590 37 17
                                        


---

Hindi na namin inaya si Ate sai na kumain nang dinner dahil nagkusa siyang lumabas nang kwarto at tahimik lang na dumiretso sa kusina kung saan busy ang mga katulong nila na ihanda ang pagkain sa long table.

Nakayuko ang dalawa sa kanila habang si Manang naman ay agad na pinaghila si Ate sai nang upuan kaya naman tumabi na lang din ako sa right side niya , nandun na din si Ate Zab at Ate Geraldine na pinapanood ang tahimik na galaw ni Ate sai.

"Pinagluto kita nang paborito mong adobo anak para maka-kain ka na nang maayos."

Ngumiti lang siya kay manang , hindi naman ganun ka-kapal ang benda sa mga kamay niya kaya nakakahawak pa din siya nang kutsara't tinidor.

"Salamat po" Sobrang hina nang boses niya ag pumiyok pa nga dahil sa pagka-paos niya.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Bigla ay tanong ni Ate Zab habang pinaglalagay nang pagkain si Ate sai sa plato nito.

Nakangiti lang naman si ate habang nasa pagkain ang mata niya.

"Sinat na lang siguro , medyo masakit lang ang ulo ko" sagot niya.

"Kumain ka nang marami para bumalik na agad ang lakas mo" Ngumiti siya nang tignan niya si ate tsaka tumango.

"Salamat ate" Nagitla ako nang lingunin ako ni Ate sai. "Kumain ka na , hindi ka mabubusog kung nasa akin ang titig mo" Nakangiting sabi niya , tumango lang naman ako at kumuha na nang pag-kain ko ..

Inaabutan naman ako ni Ate ko nang pagkain na alam niyang gusto ko.

Nagsimula na din kaming kumain , tanging sila ate geraldine at ate zab lang ang nagsasalita dahil may pinag-uusapan sila na di ko masiyadong nasusundan dahil nakatuon ang tingin ko kay Ate Sai na tahimik lang na kumakain --- sa totoo lang ay malakas pa din siyang kumain ngayon , ang pinagka-iba lang ay hindi siya nakangiti at hindi siya madaldal .. Tahimik lang talaga at naka-focus sa pagkain niya sa plato at kapag naubos ay kukuha siyang muli na agad namang inaalalayan ni Manang.

"Nandiyan ka na pala" nag-angat kami nang tingin kay Kuya Zac na kadarating lang.

Lumapit muna ito kay Ate zab at humalik sa pisnge tsaka niya nilapitan ang kapatid na nakangiti din sa kanya , hinalikan niya si ate sai sa noo at sandali itong niyakap ..

Tumayo naman si ate zab para asikasuhin si Kuya Zac --- Para na silang mag-asawa.

"How are you feeling babygirl?" Ngumiti si ate sai kay kuya zac.

"Sinat na lang"

"Marami ka nang nakain?"

"Saan ka galing kuya?" Tanong ni ate sai na hindi pinansin ang tanong sa kanya ni Kuya Zac.

"May kinausap lang ako."

"Okay po" ngumiti siya. "Kumain ka na po kuya , masarap ang hapunan" Yun lang at muli siyang tumahimik at seryosong kumakain.

Sobrang nakakailang at nakakabingi ang katahimikan , hindi na din nag-uusap sila Ate kaya tanging tunog na lang nang kutsara't tinidor ang maririnig sa hapag-kainan.

Maya-maya napatingin kami kay ate geraldine nang tumayo ito , lumabas siya nang kusina at narinig ko lang and foot steps niya na umaakyat sa hagdanan , wala pa ding nagsasalita sa amin na para bang nagpapakiramdam pa kami kung sinu ang babasag sa katahimikan.

"Here" Nakabalik na si ate ko at inabutan nang gamot si Ate , pinagsalin naman ni Kuya Zac nang tubig si ate sai sa baso nito. "Uminom ka na para mawala na nang tuluyan yang lagnat mo" Dagdag ni ate.

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now