----
WEDDING
----
" Hala grabe ! You really look like kuya zac .. Walang tapon girl ! Kamukhang-kamukha!" Sabi nang pinsan naming si Claisse ..
Magkakasama kasi kami nila Zherlyn sa iisang table kasama ang mga pinsan namin na sila Veronica at Claisse na ka-edad lang namin nang kapatid ko ..
" Oo nga ! Mas mukha pang ampon si Zherlyn day .. " Nag aper pa si Claisse at Veronica kahit nakataas ang kilay ni Zherlyn !
" Minsan Zhyrine labas tayo ha!"
" Hindi siya pweding sumama sa inyo .. Mga wala kayong kwenta kasama!" Imbes na magalit sila Veronica ay tinawanan lang nila si Zher ! Sanay na yata sa ugali nang kapatid ko !
Nasa reception na kami at halos katatapos lang kumain nang lahat ! May mga bote na din nang alak sa bawat table .. Napangiwi pa ako dahil hindi sa akin pamilyar ang mga alak na nasa harapan ko maliban sa wine na madalas dinadala ni Jas kapag umuuwi siya galing manila at yun ang pinapainom niya sa amin ..
May sariling table sila Kuya Zac kasama ang mga kaibigan niya yata at ibang pinsan namin ! Kasama niya si Gio duon , habang si Mommy naman ay kaharap ang mga tita namin at mga kapatid ni Daddy na nakilala ko kanina ! Hindi sila umiyak sa wedding ni Kuya Keifer dahil mas umiyak pa sila nang makita nila ako dahil kamukhang-kamukha daw namin ni Kuya Zac si Daddy ..
" Hey "
Napaangat ang tingin ko kay Gio ! Hinila niya ang bangko palapit sa akin at umupo dun ! Hinawakan niya ang kamay ko at pinatong ang baba niya sa balikat ko ..
Narinig ko ang pagtili ni Veronica sa gilid ko ! Mukhang sa amin pa yata kinikilig kesa sa bagong kasal na sumasayaw sa gitna ..
" Akala ko kasama mo sila Kuya?" Tanong ko!
" Magpapaalam lang ako .. "
Hinalik niya muli ang ilong niya sa balikat ko at parang batang nagpapaawa ..
" Uuwi ka na ba?"
" Nope ! Sa akin ka sasabay mamaya .. "
" Eh saan ka magpapaalam?"
" Pwedi ba akong uminom?"
Ngumiti siya na labas na labas ang maputing ngipin at malalim na dimple ! Ganitong mukha ba ang tatanggihan mo ? Jusko !
" Pwedi naman ! Wag ka lang magpapakalasing kasi mag da-drive ka pa!"
" Talaga?"
" Oo ! Sige na ! Bumalik ka na"
Hinalikan niya ang noo ko at ilong !
" Wag ka ding iinom nang marami ha .. "
" hindi siya malalasing sa san mig Gio!" Sabi ni Claisse nang ilapag niya sa harap ko ang isang bote nang san mig ..
" Wag niyong lalasingin yan ha ? Masama yan sa kanya!" Pagbabawal ni Gio !
" Lumayas ka na nga dito Gio .. "
Natawa ako sa pagtataray ni Zherlyn na umiinom na nang San mig ! Umalis na din naman si Gio at bumalik sa tabi ni Kuya Zac ! Napailing ako nang suntukin ni Kuya si Gio sa braso nito pero tinawanan lang siya ni Gio bago uminom sa baso na may alak ..
Kung sa probinsya ! Tagay-tagay ang labanan ! Dito kanya-kanya nang baso .. Chaka !
" College graduate ka na?" Tanong ni Claisse at uminom sa san mig na hawak niya !

YOU ARE READING
PROBINSYANA (1)
Roman pour AdolescentsHindi problema dito ang pagiging PROBINSYANA KO !