Chapter 37

886 27 0
                                        

----

" KAILANGAN pa ba nang party mommy?"

Tipid akong ngumiti kay Mommy nang lingunin niya ako ! Abala kasi siya sa PARTY na gaganapin bukas nang gabi .. nagtataka ako kung bakit may party pa pero sabi ni Mommy kailangan daw talaga yun lalo na sa mundo nang Business ! Kinausap ko si Kuya nung nakaraang araw nang sabihin sa akin yun ni Mommy , ang sabi niya uuwi daw siya nang Tarlac bukas para sa Party !

" Anak ! Kailangan nilang makilala ang bagong magpapatakbo nang kompanya at ikaw yun .. Diba napag-usapan na natin ito?" Hindi ako sumagot at nanatili lang ang tingin sa kanya!

" Na p-pressure si ate mommy ! Hindi siya sanay sa ganito .. Syempre ngayon lang niya mararanasan ang mga ganitong malaking event lalo na at papasok na siya sa mundo nang Business!" Nag-aalalang sabi ni Zherlyn na busy sa phone niya ..

Day-off niya ngayon kaya nandito siya sa Bahay ! Ang alam ko pupunta sana sila sa BAR mamayang gabi pero di siya pinayagan ni Mommy dahil nga sa Party bukas ..

Hanip ! Sumasakit ang ulo ko , tama si Zherlyn ! Sobrang pressure ang nararamdaman ko ngayon ! Anung gagawin ko sa party na yun ? Wala akong alam sa mga ginagawa sa ganung party ! Jusko !

" Yun na nga ang problema , dapat masanay ka na sa mga ganitong event anak ! Dahil umpisa pa lang ito .. Kapag ikaw na ang may hawak nang kompanya ! Iba't ibang event na ang pupuntahan mo dahil sa Business .. "

Muli niyang ibinalik ang atensyon sa ginagawa at kinausap ang mga mag-aasikaso nang Party para bukas ! Hindi na lang ako sumagot at tumayo para umakyat sa kwarto ko , agad akong humiga sa kama ko at napatitig na lang sa kisame !

Kaya ko ba ito ?

Ito ba ang gusto ko ? Kaya ko bang harapin ang malaking responsibilidad na ito ?

" Ate!" Bumangon ako nang pumasok si Zherlyn at tumabi sa akin ..

Hinawakan niya ang kamay ko at nilaro ang mga daliri ko habang nakatitig sa akin na parang binabasa ang nasa isip ko .. Tamad akong ngumiti at pinisil ang pisnge niya !

" Ayos lang ako!"

" I know you're not okay!"

" Ayos lang talaga ako anu ka ba .. Medyo kabado , dahil tama ka .. hindi ako sanay sa ganitong mga party eh!" Tipid siyang ngumiti.

" Ayoko naman talaga ang Business administration eh .. Gusto ko nang Flight attendant noon!"

Napatitig ako nang marinig ko ang sinabi niya ! Pagod siyang ngumiti sa akin ..

" Bakit hindi flight attendant ang kinuha mo ? Bakit business ang tinapos mo?" Nagtatakang tanong ko !

" Yun ang gusto ni Mommy!"

" Pero hindi naman yun ang gusto mo .. "

" I have no choice kaya kinuha ko ang business .. pero hindi ako nag trabaho sa kompanya natin nang maka-graduate ako .. Kasi gusto ko munang maranasan ang maging empleyedo nang ibang maliit o malaking kompanya .. Si Kuya kasi maganda na ang trabaho noon eh , lalo na nung makapasa siya sa exam at maging engineer ! Si Kuya kasi kapag GUSTO NIYA , gusto niya talaga ! Desisyon niya ang masusunod kaya hindi na pinakalman ni Mommy ang mga desisyon niya noon lalo na't buo ang suporta ni Daddy sa kanya noon!"

" Sinabi mo ba kay Kuya na gusto mo ang Flight attendant?" Bahagya siyang tumango!

" Yes ! Pero dahil sobrang depress noon si Mommy .. Hindi na kami nag reklamo ni Kuya nang sabihin nyang business ang kuhain ko dahil ako na din naman daw ang hahawak nang kompanya!" Tumawa siya nang mapait habang nasa akin pa din ang tingin " Siguro kung naabutan ko pang buhay si Dad ? Baka natupad ang gusto kong maging Flight attendant .. Baka wala ako sa Opisina at nasa Flight ako palage!" Tipid siyang ngumiti at iniwas ang titig nya sa akin ..

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now