---
" Babe pumayag ka na!" Tumayo ako sa pagkaka-upo ko sa gilid nang kama at nilapitan siya na nakaharap sa salamin !
Inagaw ko ang ginagawa niyang pagtupi sa white niyang long sleeve na tinutupi niya hanggang sa may siko.
Napakagwapo niya lalo kapag naka-white siya ! Sobrang mabango pa , habang tumatagal kaming dalawa ay hindi pa rin ako sanay na ganito siya kagwapo at sobrang bango araw-araw ! Kahit yata mag stay ako maghapon sa kili-kili niya ay ayos lang ..
" Hindi ka pupunta sa Office mo?" Hindi niya pinapansin ang sinasabi ko kanina pa ..
" Hindi po!" Nakangusong sagot ko !
Yumakap ako sa bewang niya at malambing ko na inamoy-amoy ang kili-kili at leeg niya pero nakatitig lang siya sa akin at nakataas pa ang isang kilay ..
"Babe!" Malambing kong tawag at tatlong beses kong dinampian nang halik ang labi niya at inamoy ang leeg niya ..
Sumimangot ako nang umirap siya at kinuha ang salamin niya sa mata at sinuot iyun ! Lalo tuloy siyang naging masungit tignan ! Sabi niya kasi sumasakit ang mata niya kapag wala siyang suot na salamin sa mata kapag nakatutok siya sa laptop niya ..
" Okay stay here na lang sa bahay ! Ingat ka sa mga kilos mo .. Kabuwanan mo na!" Seryosong sabi niya at hinalikan ako nang mabilis sa labi at dinampian niya din nang halik ang maliit kong tiyan ..
Anung sinasabi niyang kabuwanan ko na ?
Loko ito ! Buntis ba ako ?
" Anung kabuwanan ? Hindi naman ako buntis ah ! Hoy babe!" Lumabas siya nang kwarto matapos akong halikan kaya nagmadali akong mahabol siya " Babe kasi , pansinin mo nga ako .. Pumayag ka na!" Pamimilit ko pa sa kanya para payagan niya akong pumunta sa Quezon para tignan yung lupa ..
Napatingin sa amin si Tito Berth na nagbabasa nang diaryo sa may sala at napailing nang makita ang paghahabol ko sa pamangkin niya na di ako pinapansin ..
" Tito ! Pakibantayan ang misis ko ha , buntis pa naman ito" Nagulantang ako sa sinabi niya kay tito at nagawa pa akong halikan sa noo ..
" Oh sige hijo .. Mag-iingat ka sa trabaho!"
Pagsakay naman ni Tito sa kalokohan nang pamangkin niya ! Lalong bumagsak ang balikat ko ng marinig ang tawa ni Tita Eliza na may hawak na isang tasa nang kape para siguro sa asawa niya ..
" I love you Babe!" Sabi niya at tuluyan nang lumabas ! Muli ko siyang hinabol pero nakasakay na ito nang kotse at agad iyong pinaandar paalis ..
Napabuntong hininga na lang ako at naupo sa sala katapat ang tito at tita niya ..
" Yang pamangkin mo talaga , para namang mananakaw sa quezon si Sessai!" Wika ni Tita
Tumawa si Tito berth na nasa diaryo lang ang atensyon .
" Ganun din naman ako sayo ah!" Natatawang sabi pa ni Tito "Aray naman ma!" Reklamo ni Tito nang kurutin siya ni Tita sa tagiliran nito ..
" Hindi ka seloso ! Hindi ko nga malaman kung mahal mo ba talaga ako!" Sumbat ni Tita kay tito na ikinagulat ng asawa niya ..
Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinapanood sila kahit may parti sa isip ko kung paanu ko mapapapayag si Gio na payagan akong pumunta sa Quezon !
Nagpaalam kasi ako na ako ang pinapapunta ni Architect santos sa Quezon at ayaw niya akong payagan lalo na nang malaman na mga lalaki ang karamihan sa engineer at architect na makakasama ko duon , kahit sabihin ko na hindi naman ako magtatagal ay ayaw niya pa din akong payagan ! Wala daw siya duon para makasama ko baka daw may mangyari sa aking masama duon !
