----
FLOR
Tumigil ang van na sinasakyan namin sa tapat nang isang malaki at mataas na bahay ! Napakataas din nang gate nito at talaga namang sumisigaw sa yaman kahit na harapan pa lang nang bahay ang nakikita namin , binuksan ni Sol ang van kaya sunod-sunod kaming bumaba -- kinuha naman sa akin ni Gleen si Hailey.
"Sigurado ba kayong dito na ang bahay nila Sessai?" Tanong ni JP na halatang nagugulat at namamangha sa laki nang bahay na nasa harapan namin.
"Ito ang address na ibinigay ng Guard , tsaka sabi ni Zac sa guard hinihintay niya daw tayo."
Si Meng ang sumagot dahil siya ang nakipag-usap kanina duon sa guard nang muntik na kaming hindi makapasok dahil sobrang private nang village.
" i think ito na nga yung house nila sessai" sabi naman ni Jas na nagtataas nang nakalugay niyang buhok.
Buti na lang at nasundo na siya ni Ciemar sa manila kaya nakasama na din siya sa amin pagpunta dito sa Tarlac.
"Sobrang dami natin baka naman bawal diyan ang maraming bisita , tsaka baka isipin nila na nagdala kami nang maraming unggoy made in quezon pa." Litanya ni Meng kaya napangiwi ang mga lalaki.
Natawa na lang kami ni Jas dahil sa malakas na pang-aasar na naman ni Meng.
"Sige na , kayo na lang ang pumasok mahal ! Maghihintay na lang kami dito." Sabi ni JM at hinalikan ang pisnge nang nobya niya.
Pumayag na din kami dahil baka hindi kami lalong papasukin kung lahat kami papasok sa loob dahil sa dami nang bilang namin , kinuha ko din ang anak ko dahil mas delikado kapag naiwan si Hailey sa kanila -- kung anu anu ang natututunan , ako tuloy ang inaaway nang asawa ko . Mga bwesit na unggoy.
Si Meng ang pumindot nang button na nasa may gilid nang gate ! Ilang sandali pa ay may nagbubukas na nang gate at bumungad sa amin ang isang matandang babae ..
"Magandang araw po." Ngumiti ito sa amin sa sabay-sabay naming pagbati.
"Ay magandang araw naman sa inyo mga ineng . Anung sa atin?" Tanong nang matanda , dahil nga si Meng ang malapit sa kaniya kaya siya na din ang sumagot.
"Hinahanap po namin ang address nang bahay ni Sessai ? Sabi po nang guard dito daw po ! Hindi po kami sigurado kung tama po ba ang bahay na napuntahan namin?"
Nag-aalangang sabi ni Meng at ipinakit ang maliit na papel na ibinigay nang Guard kanina sa amin , ilang sandali niya iyung tinignan bago nag-angat sa amin nang tingin at muling ngumiti ngunit bakit parang may iba sa mga tingin niya ? Nakangiti ang labi niya ngunit maraming sinasabi ang mga mata niya.
"Dito nga mga ineng." Aniya " Kayo siguro yung sinasabi ni Zac na bisita niya!" Nilakihan niya ang pagkakabukas nang gate kaya naman pumasok kami. "Naghanda ako nang meryenda para sa inyo , halina kayo sa loob para makapag-meryenda kayo." Sabi niya at tumalikod sa amin , tahimik lang naman kaming sumunod sa kanya habang namamangha sa ganda at laki nang bahay kahit wala pa kami sa pinaka-loob ng bahay.
"Ang weird ko ba?" Bulong bigla ni Jas kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.
Wala namang tigil ang bibig nang anak ko sa kakasalita kahit wala namang naiintindihan sa mga sinasabi niya.
"Bakit ? Anung problema?" Nagtataka kong tanong at pinunasan ang labi nang anak ko.
Napangiti ako nang manggigil na naman siya sa pisge ko at hinalikan ako.
"Yung smile niya kasi iba ang dating sa akin ? Mas madaming sinasabi ang eyes niya!"
Nagtataka na sabi niya.
