Chapter 38

791 24 2
                                        

----

Maaga akong sinundo ni Gio sa bahay ! Ang sabi niya may pupuntahan kami pero di niya sinabi kung saan , pumayag naman si Mommy dahil may tiwala naman daw siya kay Gio ! Bumalik na din si Kuya sa Palawan ..

" Daan muna tayo sa Office ! May mga pipirmahan lang ako sandali .. " Ngumiti ako pagkatapos kong uminom sa tubigan ko na dala niya ! Hindi na niya ito sinauli sa akin kaya hindi ko na rin binawi ..

" Sige ! Okay lang ! Nandun na ba si Gerian?"

" Wala pa ! Late yun papasok kasi puyat na naman kagabi .. " Tumawa ako nang magsungit na naman siya !

" Hayaan mo na ! Baka pantanggal stress niya lang yun .. "

Hawak niya ang kamay ko nang makadating kami sa Building nila , pagpasok sa elevator hawak na niya ang bewang ko hanggang sa makarating kami sa Floor nang Office niya !

Binabati siya nang mga empleyado niya at ngumingiti naman siya ! Ngumiti na lang din ako kahit hindi nila ako binabati ..

" Wow ! Edgar .. Himala ! Libre ito?"

" Ganyan talaga ! Sinagot na daw eh .. "

" Edi inuman na mamaya?"

Yun ang ingay na narinig ko sa mga empleyado ni Gio na nagkakagulo sa isang table ! Hindi yun pinansin ni Gio at dumiretso lang papunta sa Office niya .. Papasok na din sana ako pero tinawag ako ni Camille !

Huminto din si Gio sa may bungad nang pintuan dahil hawak niya ako sa kamay !

" Breakfast po tayo ma'am!"

Ngumiti ako kay Gio kahit nakataas ang kilay niya ! Itong lalaking ito , kaaga-aga kasungit ..

" Sige na ! Hintayin kita dito .. Makikipag-kwentuhan lang ako sa kanila!"

" Sandali lang ako!" Hinalikan niya muna ako sa noo bago siya pumasok sa Office niya !

Nakangiti ako habang naglalakad palapit sa mga empleyado ni Gio ! Marami sila dun at lahat yata sila kumakain ..

" Good morning ma'am!"

" Magandang Umaga po .. Anung meron?" Nakangiting tanong ko nang makalapit ako sa pwesto nila ..

" Naku ma'am nanlibre po si Edgar nang breakfast ! May jowa na po kasi .. " May inasar silang lalaki at sa tingin ko yun si Edgar

" Aba ayos yan ! Anung almusal ? Patikim naman ako niyan .. Masarap kapag libre!" Natatawang biro ko at di ko naman inasahan nang abutan nga nila ako nang Burger ..

" From jollibee yan ma'am!"

Sabi nang isang matabang babae ..

" Ruby po ma'am!"

" Hello ate ruby ! Wag nang ma'am ! Sessai na lang .. Masiyado namang OA ang MA'AM!" natatawang sabi ko at kumuha ng yum burger na inaabot ni Camille ..

" Naku ma'am magagalit si Boss!" Tumawa na lang ako at di na sumagot ..

Kumagat na lang ako sa burger na hawak ko ! Nag almusal na ako pero nagutom na naman ako nang makita ko ang pagkain nila !

" Coffee po?" Alok naman ni Brenda ..

" Naku hindi po ako nagkakape sa umaga  ! Tubig na lang .. Okay na ako!" Kumagat ako sa burger na hawak ko at nakita kong may hawak na fries si Camille kaya kumuha ako nang tatlo kahit hindi ako nagsabi ..

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now