EPILOGUE

1.1K 45 37
                                    


-----

Maaga akong nagising para ihanda ang mga gamit namin sa pag-alis , nakaligo na din ako at naihanda ko na ang ibang pagkain na dadalhin namin sa byahe.

"Mommy! Mommy! Mommy!"

Nakangiti kong nilingon ang anak ko na tumatakbo palapit sa akin , mahina pa akong natawa nang yumakap siya sa mga hita ko at hinila ang damit ko upang yumuko ako at mahalikan niya ako sa labi.

"Bakit po?"

"Pupunta na tayo ng province mommy?"

Ngumiti ako at tumango. "Yes anak kasi birthday ni janna ngayon." Sabi ko sa kanya at pinanood ko siyang umakyat mag-isa sa kama naming mag-asawa at hinayaan siyang tumalon-talon habang hawak ang paborito niyang robot.

"Who's janna mommy?"

"Anak ni tita meng mo.."

"Meron pong horse sa province mommy?" Tumatalon-talon pa din na sabi niya kaya napailing na lang ako.

"Yes anak , meron po." Sagot ko sa tanong niya. "..wag ka tumalon diyan prio , baka mabalian ang paa mo. Sige ka , di ka na makakapag-play ng basketball kapag napilayan paa mo.." Pananakot ko sa anak ko , napangiti naman ako ng agad siyang tumigil at dumapa sa kama.

Ipinatong niya sa dalawang palad niya chin niya at diretsong nakatingin sa akin.

"Hmm ! Ahm ! Meron pong carabao duon mommy?" Muling tanong niya.

"Opo meron pong carabao."

"Is it big mommy?"

"Yes love , malaki pa kay daddy."

"Oh im scared." Natawa ako at yumuko para mahalikan siya sa noo.

"Don't be scared baby , hindi hahayaan ni mommy at daddy na nasasaktan ang prio namin.." Ngumit naman siya nang labas na labas ang mapuputing ngipin.

"I love you mommy." Agad siyang tumayo at 'tsaka yumakap sa leeg ko at hinalikan ang pisnge ko.

"I love you too baby." Sabi ko at hinalikan siya sa lips niya.

"Eh may kambit po duon?" Muling tanong niya sa akin habang karga ko na siya at lumabas kami ng room.

"Anung kambit baby?"

"Kambit mommy , yung anu po , yung nag meeee'meeee , yun po mommy."

Natawa ako nang gayahin niya ang pag-iyak nang kambing.

"It's kambing prio , not kambit."

"Kambit?"

"Kam...bing ! Kambing."

"Kam---bit." Hindi ko mapigilan ang humalakhak sa ka-inosentehan nitong anak ko.

Limang taon pa lang ang anak ko pero sobrang dami na niyang nalalaman , isang taon pa nga lang siya ay memorize na niya ang A B C D hanggang Z ganun din ang 1 2 3 hanggang 100. Pinuno namin nang mga kailangan niya ang isang kwarto at gustong-gusto niya ang natututo kesa sa naglalaro , ang pag-aaral pa nga ang naging libangan niya. Kami pa nga ni daddy niya ang pinapangaralan niya kapag may nagagawa kaming di maganda sa paningin niya. Minsan tuloy ay kami pa itong nahihiya ni Gio sa kanya.

"Kambing nga kasi yun anak."

"I can't say it mommy."

"Okay , goat na lang."

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now