-----SALLY
" Sigurado ka na ba dito?"
Seryoso lang ako habang pinapanood ang kapatid ko na kausap ang mga kaibigan niya ! Sumandal ako sa motor ko at hinihintay na matapos silang mag-usap ..
Ngayon ang alis nila ni Zac pauwi nang TARLAC ! Mabigat sa pakiramdam at buong magdamag akong umiiyak .. Ang sakit kasi ! Sa kapatid ko na tumakbo ang mundo ko , at biglang isang pitik ay uuwi na siya sa totoong pamilya niya na ipinagdamot namin sa kanya!
" Kailangan eh .. " Tipid na sagot ni Sessai at muling umiyak ..
Niyakap siya ni Meng na ngayon ay umiiyak na din at hinaplos ang buhok nito ..
" Mag-iingat ka dun ha ! Ngayon mo pa lang makikilala ang mga tao dun .. Kapag may problema ? Tawagan mo kami agad ha ! Kahit malayo ang TARLAC susugod kami dun .. " Umiiyak na sabi ni Meng !
Inaalalayan agad siya ni JM nang si Flor naman ang yumakap sa kapatid ko ! Namamaga ang mata nito at halatang kagagaling lang sa pag-iyak .. Hinaplos niya ang pisnge nang kapatid ko at malungkot na ngumiti kay Sessai !
" Ngayon ka lang malalayo sa amin ! Mag-iingat ka palage ha .. Bawasan mo ang pagiging iyakin mo Sai wala kami dun para bigyan ka nang Chuckie kapag umiiyak ka!"
Tumawa ang kapatid ko at niyakap nang mahigpit si Flor ..
Nandito din sila Ciemar , Gleen , Rolando , Sol , JP , Dada , at Jasper na tahimik lang ..
" Kapag may nang-away sayo dun ? Sabihan mo lang kami ha!" Matapang na sabi ni Ciemar at pinunasan ang luha nang kapatid ko bago niyakap ito ..
Napaiwas ako nang tingin sa kanila nang tumulo ang luha ko ..
" Alam ko namang hindi ka papabayaan ni Gio dun at nang pamilya mo .. Pero kapag kailangan mo kami ! Nandito lang kami!" Malungkot na sabi ni Sol at niyakap din ang kapatid ko ..
Walang sinabi sila JP at niyakap lang ang kapatid ko ! Nakangiti ngunit malungkot ang mga mata habang nakatitig sa kapatid ko ..
" Bumalik ka ha " Umiyak na lalo nang malakas ang kapatid ko nang yakapin siya ni Dada .. Sa mga kaibigan kasi niyang lalaki ay ito ang pinaka-bata at close sa kanya ! Siya kasi ang bini-baby ni Sessai kahit bihira silang magkulitan .. " Babalik ka dito ha!" Tumawa si Sessa ngunit umiiyak pa din ..
Tinapik nito ang pisnge ni Dada na parang batang umiiyak ..
Close na close sila noon ! Siguro dahil hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa .. Pero nang magka-girlfriend na si Dada at may pagka-selosa ay medyo lumayo si Dada ! Lage kasi nitong pinagseselosan ang kapatid ko at wala manlang kaalam-alam ang kapatid ko ..
" Babalik ako ! May kailangan lang akong harapin at gawin duon .. " Humihikbing sabi nang kapatid ko ..
Tumunog ang phone ko ! Nagtext na si Zac kaya tinawag ko na si Sessai ..
" Aalis na daw kayo .. Tara na!" Mahinang sabi ko sa kanya ..
Ako kasi ang maghahatid sa kanya sa resort kung saan sila magkikita ng Kuya niya ! Humiling lang siya na kakausapin muna niya ang mga kaibigan niya bago Umalis ..
Ini-start ko na ang motor ko at umangkas naman ang kapatid ko ! Sumubsob agad siya sa likod ko at umiyak habang nakayakap nang mahaigpit sa bewang ko ..
Malungkot akong ngumiti sa kanila na Umiiyak pati na ang mga lalaki na ilang beses lumulunok mapigilan lang ang pag-luha !
" Babalik ako agad .. Inom tayo!" Sumaludo sa akin si Ciemar ..
