Chapter 63

686 32 14
                                        


---

MENG

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa labas ! Alas singko na din kasi nang hapon , medyo nabawasan na din ang mga costumer nang Cupcake house ko dahil alas sais pa lang ay nagsasara na ako ..

Kumagat ako sa cookies na ako mismo ang gumawa habang nakatuon ang atensyon ko sa nire-record ko.

"Ate meng." Pagod kong tinignan si EJ.

"Oh ? May kailangan ka?" Muli kong ibinalik ang tingin ko sa ni re-record ko.

"Ayos lang po kayo?"

Nagtataka ko siyang tinignan ulit.

"Ayos lang ako!" Tipid kong sagot.

"Para po kasing kanina pa kayo wala sa sarili niyo ? Katulad po kanina ! Mali-mali po ang sukli niyo sa ibang costumer .. " Bumuga ako nang hangin at tamad na sumandal sa inuupuan ko.

"Hindi ko din alam eh , nung nakaraang araw pa mabigat ang pakiramdam ko .. Hindi ko alam kung bakit ? Parang ang bigat bigat nang dibdib ko kahit wala naman ako nun."

Natawa siya kaya napangiwi ako.

"Baka kasi sabihin mo wala naman akong dibdib diba ? Inunahan na kita ! Mas masakit kapag sayo pa nang-galing .. Laitera ka pa naman."singhal ko sa kanya kaya naman sumimangot siya at nilapitan ang dalawang students na kadarating lang.

Napabuntong hininga ako at napapikit nang mariin , pilit na pinapakalma ang sarili ko.

Hindi ko din talaga alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko , pakiramdam ko talaga ay may hindi nangyayari na di ko nalalaman , kahit anung libang ko sa sarili ko ay malakas ang kabog nang dibdib ko na para bang kabadong-kabado ako at di ko malaman kung bakit ganun ang nararamdaman ko.

Bumaling ang tingin ko sa babaeng kakapasok lang at nagmamadaling pumasok at lumapit sa akin.

"Flor , anung ---"

"Natawagan mo ba si Sessai?" Kumunot ang noo ko dahil sa natataranta niyang tanong.

"Ha ? Hindi naman ! Nag-online siya kahapon yata tsaka kagabi pero hindi naman niya pinansin ang mga messages ko .. Bigla na lang siya nag-out pagkatapos nun." Sagot ko sa kanya at nagtataka pa din akong tinignan siya. "Anu bang meron?" Naiinip kong tanong.

"Hindi ko alam , basta pakiramdam ko hindi siya okay eh ! Nag-post siya eh!" Kinuha niya ang phone niya at may ginawa siya duon sandali bago niya sa akin inabot. "Tignan mo yung post niya." Kinakabahan niyang tanong.

Kagat labi ko namang kinuha ang phone niya at binasa ang post ni Sessai kagabi !

8:04pm --

"That pain is not forever -- The thing that makes your heart cry tonight is not forever."

Nagtataka kong tinignan si Flor na ngayon ay malayo ang tingin na halatang malalim ang iniisip ..

"Anung iniisip mo?" Sinuklay niya nang daliri niya ang nakalugay niyang buhok.

"Hindi ko alam eh ! Feeling ko kasi may problema yang batang yan , di lang nagsasabi .. Nag-aalala ako eh!" Sabi niya.

"Si Gio ba tinawagan mo?"

Umiling siya. "Hindi ko siya ma-contact eh .. Out of coverage , katulad nang phone ni Sessai , lalo tuloy akong nag-alala!" Nahilot niya pa ang sintido niya habang may ginagawa sa phone niya ..

Umalis na din naman agad si flor dahil baka daw umiiyak na si Hailey , wala din kasi kaming mahanap na pweding tawagan o kausapin para kamustahin si Gio at Sessai dahil kahit number nang kapatid niyang si Zac ay wala manlang kaming numero.

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now