Chapter 42

768 29 2
                                        

----

GIO

Nakangiti kong pinagmamasdan si Sessai na nag-susuot ng puti niyang sapatos habang naka-upo sa pinakang-huling baitang nang hagdanan ! Pareho kaming naka-black pants at white tshirt ..

Tinaas niya lang ang buhok niya sa magulong pagkakaipit ngunit bagay na bagay sa kanya ! Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at kinuhaan siya nang picture ..

" Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya habang tinatapos ang pagsisintas nang sapatos niya!

" Basta ! Magugustuhan mo dun .. Kaya bilisan mo na diyan!" Kunwaring nagsusungit na sabi ko ! Umangat ang tingin niya sa akin ..

Napailing na lang ako dahil ang tamis nang ngiti niya at parang batang tumakbo palapit sa akin tsaka yumakap sa bewang ko at bahagyang nakatingala para matignan ako !

" Tapos na!" Ngumiti ako hinalikan siya sa noo ! Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming lumabas ng bahay ..

Nakasabit pa sa pulsuhan niya ang itim niyang sumbrero ..

" Mag-iingat kayo sa pamamasyal niyo ! Sana magustuhan mo ang lugar dito!" Tita mers ..

" ay sigurado ka ba na mag co-commute talaga kayo ha?!" Napahawak ako sa batok ko nang tignan ako ni Sessai ng nagtataka ..

" Hindi ka marunong mag commute?" Hindi makapaniwalang tanong niya !

Tinaasan ko siya nang kilay ng tumawa siya at yumakap sa braso ko ..

" Kapag po naligaw kami .. Pakisabe na lang po sa pamilya ko na mahal na mahal ko sila!"

Tumawa si Tita Mers ..

" Babe ha .. " Nagbabanta kong sabi !

" Ayos lang yan ! Basta magtanong tanong na lang kayo .. Ingat kayo ha!"

Hinila ko na agad ang girlfriend ko bago pa magsalita nang kung anu kay Tita !

Naglakad pa kami nang konti kung saan nakaparada ang mga tricycle patungo sa kabayanan nang lugar nila tita !

" Saan kayo inong?" Tanong nang driver sa amin !

" Sa poblacion po!"

Simpleng sagot ko ! Nilingon ko si Sessai na hindi mawala ang ngiti sa labi ..

" Pangiti-ngiti ka diyan?"

" Naiimagine ko lang yung mga mangyayari kapag naligaw tayo!"

Tumaas ang kilay ko pero tumawa lang na naman siya .. " Isa pa babe ha!" Pinisil niya ang ilong ko habang natatawa bago naunang pumasok sa loob ng tricycle ..

" Ingat ka ! Baka maumpog --- Anak nang ! Nagsasabi pa lang ako eh!" Napangiwi ako nang tumama ang gilid nang ulo ko sa may tricycle ! Napahawak ako sa ulo ko nang makaupo ako sa tabi ni Sessai ..

" Bakit kasi ang baba nang tricycle niyo manong!" Reklamo ko ..

Sabay na tumawa si Manong driver at ang girlfriend kong kanina pa tawa ng tawa ..

" Sapat lang ang laki nang tricycle ! Ikaw itong nasobrahan sa tangkad .. " Napanguso na lang ako habang hinahaplos niya ang ulo ko na parang matatanggal ang sakit nun dahil sa ginagawa niya ..

Pinaandar na din ni Manong ang tricycle ! Habang nasa byahe ay nag picture ng nag picture si Sessai ! May naka-wacky ! May picture kami na nakapatong ang chin niya sa balikat ko habang nakaharap sa akin at nakalabas ang dila habang nakangiti naman ako sa camera ..

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now