---SESSAI
" HOY BABAENG MUKHANG TIPAKLONG ! LUMAYO LAYO KA SA AKIN HA ? DAHIL BAKA PAG BINATUKAN KITA DUMIRETSO YANG BABA MO SA DIBDIB MO ! MAMATAY KA NANG MAAGA --- yun ay kung gusto mo pang mabuhay nang matagal "
" SUMUSOBRA KA NA TALAGA HA ! "
Nataranta ako sa paglapit nang susugod na sana si Bebang kay Jas ..
" UYY ! UYY ! UYY ! Anu yan ha ? " awat ko kay Bebang nang tangkang hahampasin niya nang malaking kahoy si Jas ..
" YANG KAIBIGAN MO PAGSABIHAN MO HA ! INAAGAW SA AKIN SI MARVIN "
" HOY GAGA ! Kahit kuko nang katipan mo hinding-hindi ko papatulan .. Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo Bebang ! Kadiri !" Sigaw naman nitong si Jas at susugod sana pero nahawakan siya ni Flor at JM ..
" EH TOTOO NAMAN AH ! NILALANDI MO SI MARVIN .. KITANG-KITA KO KUNG PAANU KA TIGNAN NI MARVIN " susugod ulit sana si Bebang pero inawat agad siya nang mga kaibigan niya ..
" BINGGO ! SYOTA MO ANG TUMITINGIN NAKITA MO BANG HINALIKAN KO ANG SYOTA MO ? GAGA ! MAKITA KO NGA LANG ANG MUKHA NIYO NG SYOTA MO ? NAGDIDILIM NA ANG PANINGIN KO "
Lalong nagalit si Bebang at malakas na hinampas ang kahoy kay Jas pero sa kasamaang palad ? Ako ang tinamaan dahil nakaharang ako kay Jas !
Napaupo ako sa buhanginan dahil sa sobrang sakit nang braso ko ..
Naiiyak ako sa sakit !
" HAY*P KA TALAGANG DEMONYO KA ! LUMAPIT KA DITO AT BABASAGIN KO ANG MUKHA MONG PUNYETA KA ! Pati kaibigan ko sinasaktan mo na ! Punyeta ka " hindi ko na alam ang nangyari basta ang naririnig ko na lang nagkagulo na silang lahat at may umaalalay sa akin sa pagtayo ..
" Sai ? Okay ka lang ba ? " Iminulat ko ang mata ko at nakita ko si Meng ..
" Ang sakit eh ! Sobra ! " Inangat ko ang manggas nang tshirt ko at nakita ko ang mapulang parti nang hinampas ni Bebang at mabilis itong nangitim ..
" Anak nang ! Pumapasa nang malaki ang braso mo Sai ! " Natatarantang sabi niya ako naman dumadaing pa din sa sakit ..
Nilingon ko sila Flor at Jas na ngayon ay nakikipagsabunutan na kela Bebang at sa mga kaibigan nito na kasama .. At abala si JM sa pag-awat sa kanila !
Naku naman !
" HOOOOOY ! ANUNG KAGULUHAN ITO "
O_____ O
O_____O
O____O
Sabay-sabay kaming natigilan at nilingon ang nag ma-may ari nang boses na sumigaw ..
" Kapitan "
Nagkatinginan kaming magkakaibigan maliban na lang kay Jas na humabol pa nang sabunot kay Bebang pero di na nakaganti si bebang dahil lumapit na agad ito sa akin at tinignan ang braso ko na nahampas ..
" Hala ! Ang laki nang pasa mo " Gulat na sabi niya ng makita niya ang braso ko ..
Hindi naman ako nagsalita at napadaing na lang dahil masakit pa din ..
" Jas ! Anung kalokohan na naman --- "
" Wala akong kasalanan papa ! Si Bebang ang biglang sumugod dito .. Kumakain kami nila Flor , Meng at JM sa ihaw-ihaw ni Ate Maria tapos bigla na lang akong pinagsisigawan nang babaeng yan" Mahabang paliwang ni Jas kay Kapitan na Papa niya ..
