----
" Ibig sabihin GIRLFRIEND na kita?"
Pinagpatuloy ko lang ang pagbabalat nang mangga para kay Ate Kath at hindi ko siya pinapansin !
Pinipigilan ko ang mapatawa sa pangungulit niya ! Magmula pa kagabi ganyan na siya kakulit , hanggang sa pag-akyat namin at bago matulog yan nang yan lang ang tinatanong niya ! Akala ko pag-gising ko ngayong Umaga makakalimutan na niya pero pagkamulat ko pa lang nang mga mata ko matamis niyang ngiti ang agad na sumalubong sa akin ..
" Babe please ! Pansinin mo naman ako .. "
Sinulyapan ko siya tapos ibinalik ko ulit sa binabalatan kong mangga ang mata ko !
" Babe!"
Napahinto ako sa ginagawa nang yakapin niya ako mula sa likod at hinalikan nang paulit ulit ang balikat ko habang malikot naman ang daliri niya sa tiyan ko ..
" Anu ba kasi yun?"
" Girlfriend na ba kita?"
" Bakit kailangan mo pang itanong yan?"
Bumitaw siya sa akin at hinawakan ang balikat ko para mapaharap ako sa kanya !
" Eh girlfriend na ba kita?" Para siyang batang nagmamaktol sa harapan ko !
Bakit ba ang gwapo nang lalaking ito ? Naka-maong pants siya at black na tshirt .. May shades sa may leeg nang tshirt niya at may suot na itim na relo .. Simple lang ang suot niya pero napakalakas nang dating !
" Sabi mo kagabi mahal na ma ---- hmp!" Tinakpan ko ang bibig niya ! Sa lakas nang boses niya gusto pa yata niya ipagsigawan sa buong compound na mahal na mahal ko siya!
" Ang akala ko kasi tayo na .. Boyfriend na kita at girlfriend mo na ako ! Yun ang alam ko ! Kaya nakakapagtaka na nagulat ka pa kagabi sa mga sinabi ko?" Pabiro akong umirap sa kanya at natawa nang talikuran ko ulit siya ..
" Hala babe ! Hindi ka naman nagsabi sa akin eh .. Hindi mo ako sinabihan na sinasagot mo na ako!" Reklamo niya pa din ..
" Nung nanligaw ka ba nagsabi ka ? Oh ! Patas na tayo .. " Tumawa ako nang mahina nang umawang ang bibig niya !
Halatang nagulat sa sinabi ko at hindi agad nakapag-react ! Ilang segundo pa siyang tulala at nakatitig lang sa kawalan .. Kung hindi ko pa nga siya hinalikan sa ilong ay hindi siya babalik sa sarili niya !
" Ayos ka lang ba ha?" Natatawang sabi ko at tinapik-tapik ang pisnge niya ..
Napatili ako nang mahina nang bigla niya akong binuhat ! Pagkababa niya sa akin agad niyang tinadtad nang halik ang mukha ko at niyakap nang mahigpit .. Mabilis niya ding hinalikan ang leeg ko bago bumitaw sa akin ngunit nanatili ang kamay niya sa bewang ko!
" Akala ko ba aalis kayo ni Daniel?" Nakangiting tanong ko habang nilalaro ko ang buhok niya sa may batok niya ..
" Totoo girlfriend na talaga kita?" Hinampas ko ang braso niya pero di niya pa rin binibitiwan ang bewang ko ..
" Tatanghaliin kayo kapag di pa kayo Umalis ! Sige na .. " Tinulak ko na siya palabas nang kusina ! Nakasalubong namin si Ate Kath na natatawa sa aming dalawa ..
Alam ko kasing kanina niya pa kami pinapanood habang nasa sala siya ..
" Babalik ako agad!"
" Malamang ! Alangan namang iwanan mo ako dito kela Tita Emma .. " Tumatawang sabi ko habang tinutulak siya palabas !
