Chapter 8

1.2K 35 0
                                        


------

SESSAI

Lumabas ako ng bahay at sinalubong sila Ed kasama niya si Kath at Lyn ..

" Napadaan kayo " nakangiting sabi ko nang makalapit sa kanila ..

Nanatiling nakasandal si Kath at Lyn sa motor habang si Ed naman ang humarap sa akin ..

" Sai ! Baka naman pwedi na?" Nagmamakaawa ang tonong sabi niya ..

" Kailangan-kailangan ka namin sa Grupo eh ! Next week na yun .. Wala na kaming ibang alam na pweding pumalit eh!" Sabi ni Kath !

" Bakit ? Anu bang nangyari ?" Pilit kong tinatakpan ang butas nang sando ko sa gilid dahil nginatngat nang daga ! Piste !

" Si Ella kasi eh , hindi na siya makakasayaw kung kelan isang linggo na lang bago ang Fiesta sa bayan dun pa siya naaksidente!" Naiinis na sabi ni Lyn ..

Pinasadahan ko ang mga suot nila at mukhang papunta sila sa Practice ngayon ..

" Anung nangyari kay Ella?"

" Namamaga ang paa " si Kath ang sumagot "Napamali kasi ang ikot niya sa isang step nila sa Cha-cha , nawalan nang balanse ! Napuruhan ang paa niya " Naiiling na sabi niya at humarap sa akin " Alam mo namang bukod kay Ella ay ikaw itong magaling sa Cha-cha diba ! Alam mo naman ghorl pang-hip hop lang itong katawan namin " Nakalabing sabi niya na parang sa itsura niyang yun sinasabi niyang baka pweding ako na lang ang pumalit kay Ella ..

" Si Meng marunong din sumayaw diba?" Natatawang sabi ko pero nakabusangot pa rin silang tatlo kaya naman napaseryoso ako ..

" Mas maganda ka sa posisyon na yun ! Tsaka diba naka-partner mo na naman si Patrick .. Baka naman pwedi na ikaw na lang!" Nagmamakaawang sabi ni Ed ..

" Anak nang ! Loko ka ba ? Isang linggo na lang bago ang Fiest sa Bayan ! Hindi ko kayang habulin ang step niyo uyy .. " Pagtanggi ko sa sinabi nila ..

" Eh mabilis ka namang maka-kuha nang step sai .. Bilis na kasi ! Pumayag ka na!" Nagmamakatol pa na sabi niya habang nakahawak sa kamay ko ..

" Hindi kasi ako sigurado " mahinang sagot ko kay Ed " Namamaga pa ang braso ko eh dahil sa nangyari nung nakaraan ! Hindi ko alam kung kaya ko bang maging maliksi sa pagsayaw o makagalaw nang maayos " Dagdag ko pa .. Nagkatinginan naman silang tatlo at tinignan ang braso ko !

Tila naman nawalan sila nang pag-asa at bagsak ang balikat na tinignan ako ..

" Sige sai ! Akala ko kasi mabubuo namin ang laban sa sayaw eh .. "

" Bakit ? "

" Lahat kasi nakasali na kami eh ! Nakalista na kami sa hip-hop at tanggo tsaka sa Cha-cha pero di kasi makakasayaw si Ella kaya baka ipa-cancel na lang namin!" Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sobrang lungkot nang boses na yun ni Ed ..

Kilala ko na siya Elementary pa lang ! Nang maging highschool ako ay nakagrupo ko siya sa DANSA CLUB kaya naging close kami dahil mahilig kami sa sayaw .. Magaling siya sa Hip-hop habang ako naman ay mas gamay ang galawan sa cha-cha ! Marunong din ako sa hiphop pero iba kasi ang pakiramdam ko kapag chacha na ang sinasalangan ko ..

" Sige na ! Sige na ! Lakas makakonsensya ha .. Payag na ako ! Ako na bahala kay ate sally na magpaalam sa kanya!" Nakagiting sabi ko at nabuhaya naman sila ! Nagyakapan pa silang tatlo .. Lalakas ng tama !

" Lakas ko talaga sayo bakla!"

" Hahaaha Loka-loka " Natatawang sabi ko .. "Kelan ba yung practice niyo?" Tanong ko !

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now