Chapter 86

701 20 9
                                        

----

"Hindi kita gusto para sa anak ko.."

Tila ba naubusan ako nang hangin sa aking katawan nang marinig ko ang sinabi nang daddy ni Gio. Malawak na garden kasi sa likod nang bahay nila Gio at duon siya huminto kung saan tahimik talaga ang paligid at kami lang ang nanduon.

Para akong aatakihin nang aking hika sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

"I heard the news about your company.."

Nanatili akong tahimik at pinapakinggan ang bawat salitang sinasabi niya.

Nakapamulsa ito at nakatanaw sa mga halaman na buhay na buhay at may mga paro-parong naglalaro sa mga bulaklak. Bigla ay namiss ko ang mag-alaga nang mga halaman ni ate sally sa PAG-ASA tuwing umaga.

"Nalaman ko din na hindi ka pala anak ni Hellen kay Anthony , dahil anak ka lang niya sa ibang babae." Sa pagkakataon na iyun ay nilingon niya ako na seryoso ang mga mata na nakatingin sa akin ng diretso.

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha nang lakas nang loob upang labanan ang titig niya.

"Isa kang CORPUZ pero hindi pa din maitatanggi na anak ka sa labas."

"Anu pong problema?"

Kumunot ang noo niya sa naging tono nang aking boses nang itanong ko sa kanya ang mga gusto niyang iparating sa akin ngayon. Nilabanan ko pa din ang titig niya at hindi ako nag-abala na magbaba nang tingin o kaya'y iwasan ang mga mata niya.

"What?"

"Anu pong problema kung anak ako sa labas ? Ikakasira po ba nang pangalan niyo kung anak lang ako sa labas nang daddy ko?"

"You really look like your dad , hindi lang iyun dahil kahit ang ugali ni athony ay nakuha mo."

Nanatili ang titig ko sa kanya na ngayon ay nakangiti ngunit halatang peke iyun.

"Nabalitaan ko ang tungkol sa pag ta-traydor nang kapatid mo sayo at ng mommy mo."

"Diretsuhin niyo na po ako."

"Hindi kita gusto para sa anak ko."

Ngumiti ako at tumango.

"Alam ko na po ang bagay na iyun , siguro nga po ay pati ang pagiging anak ko sa labas ay dumagdag sa mga rason niyo para hindi niyo po ako magustuhan para kay Gio."

Napatitig siya sa akin , ang pekeng ngiti na naglalaro sa kanyang labi ay nawala.

Ilang sandali pa ay tinalikuran niya akong muli at malalim ang naging pag buntong hininga.

"Hindi kami magkasundo nang anak ko , sinusunod niya ang lahat nang inuutos ko lalo na pagdating sa family business namin pero alam kong labag iyun sa loob niya. Sa tuwing sisitahin ko siya sa mga mali niya lage siyang may sagot at kahit kelan hindi ako nanalo sa kanya at kahit hindi ko siya tanungin alam ko na ang dahilan kung bakit naging malayo na ang loob sa akin nang panganay ko."

Nakuha niya ang interes ko , lalo na sa bawat pagbigkas nang salita niya na halata ang sakit at panghihinayang sa mga bagay na tumatakbo siguro sa isipan niya ngayon.

"Nahuli niya akong may ibang babae.."

Nagulat ako nang marinig ko iyun sa kanya.

Nanatili siyang nakatalikod sa akin na para bang natatakot na makita ang reaksyon ko sa mga sinasabi niya.

"Last year niya sa college nung time na yun , sa sobrang galit niya ay nakalimutan niyang ama niya ako. Hindi niya tinigilan na suntukin ang mukha ko at kung hindi pa nga siguro siya pinigilan nang waiter sa restaurant na yun siguro nabasag na niya ang mukha ko. Kitang-kita ko sa mata nang anak ko ang galit , sa sobrang galit niya hindi na niya napigilan ang pag-iyak niya sa harapan ko at nang babaeng kalaguyo ko. Gusto ko siyang lapitan at pakalmahin pero sa lakas nang mga suntok niya sa akin ay hindi ko magawang ikilos nang maayos ang sarili ko."

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now