------
TAHIMIK si gio habang kumakain kami nang almusal , napakadami nang hinanda ni Manang salome pero konti lang ang nakain ni Gio. Nagulat pa nga ako dahil bigla na lang humapdi ang sikmura niya at tumakbo sa banyo para duon sumuka kaya hindi ko na siya pinilit na kumain nang madami. Nanatili na lang siya sa tabi ko habang tinatapos ko ang pagkain ko , hawak niya lang ang kaliwang kamay ko at nilalaro iyun.
After kumain ay nagpaalam muna ako kela kuya na aakyat muna kami sa kwarto para makapagpahinga si Gio dahil halata sa mga mata niya ang sama nang kanyang pakiramdam at para bang antok na antok.
"Sabi ko naman sayo babe , ayos lang ako."
"May sinat ka pa tsaka bagsak na yang mata mo , halatang inaantok ka." Sabi ko at ngumiti.
Pilit na itinatago ang pag-aalala sa boses ko dahil baka lalo lang siyang ma-stress kapag nakikitang umiiyak na naman ako.
Inayos ko sandali ang unan niya at hinayaang nakabukas ang bintana na tanaw ang malawak na dagat para pumasok ang sariwang hangin mula sa labas.
"Sige na , matulog ka na muna." Bumuntong hininga siya bago humiga sa kama pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napaupo din ako sa tabi niya.
"Halatang hindi ka okay."
Ngumiti siya na para bang hindi masama ang pakiramdam niya.
"Okay ako , ikaw lang itong nag-iisip na hindi ako okay mahalko."
"Kasi nakikita kong hindi ka okay."
"Babe.."
Bumuntong hininga ako at hinalikan ang kanyang noo tsaka ngumiti nang muling magtama ang mga mata namin.
"Sige na , naniniwala na ako." Sabi ko sa kanya at sinuklay ang buhok niya. "..basta kapag hindi maganda ang pakiramdam mo babe o kaya kapag may sumasakit sayo sana sabihan mo ako babe ha." Ngumiti siya at hinalikan ang kamay ko na hawak niya.
"Magsasabi ako babe.."
"I love you so much Babe."
"Mahal na mahal kita." Sabi niya na medyo namamaos ang boses bago siya tuluyang nakatulog habang nakakulong sa mga kamay niya ang kamay ko.
Ngunit ang sinabi niyang iyun sa akin ay hindi niya ginawa , tuwing sumusumpong ang biglang pagsakit nang ulo niya ay hindi niya sa akin sinasabi. Lumipas ang tatlong araw namin sa resthouse nila dito sa CEBU na palage ko siyang naririnig na dumadaing sa sakit nang ulo niya , pinipigilan ko ang sarili ko na imulat ang mga mata ko upang hindi niya makita na gising ako tuwing umaataki ang sakit niya , tahimik akong humihikbi tuwing naririnig ko ang mahina niyang pag-aray sa gabi na umaabot nang halos kalahating oras at mararamdaman ko na lang ang paglubog nang kabilang bahagi nang kama dahil sa pagbalik niya sa pagkakahiga sa tabi ko at hahalikan ang pisnge ko bago niya ako yakapin mula sa aking likudan at isiksik ang kanyang mukha sa aking leeg.
Sa tuwing sasapit ang umaga , hindi nawawala ang bigat nang pakiramdam ko lalo na kapag nakikita ko siyang mahimbing na natutulog sa tabi ko at mahahalata mo sa mga mukha niya na para bang pagod na pagod siya at antok na antok. Magugulat na lang nga ako minsan dahil bigla na lang dumudugo ang ilong niya habang natutulog.
"Kamusta kayo diyan ma'am."
Narinig ko ang kalmadong boses ni Ate loyda sa kabilang linya nang makatanggap ako nang tawag mula sa kanya.
"Ayos lang po ate , sariwa ang hangin dito kaya nakakapag-relax kami lalo na si Gio."
Sabi ko sa kanya at tumanaw sa malawak na dagat at parang kristal na kumikinang dahil sa sikat nang araw. Natanawan ko din ang kambal na anak nila Manong tonyo at Manang salome na nag-iihaw sa may harapan nang resthouse at naghahanda nang tanghalian.
YOU ARE READING
PROBINSYANA (1)
Ficção AdolescenteHindi problema dito ang pagiging PROBINSYANA KO !
