----MENG
Nakatanaw kami ni Flor sa mga kaibigan naming lalaki na may kanya-kanyang motor na gamit pagpunta dito kahapon ! Paalis na kasi sila dahil may mga trabaho sila lalo na ang Boyfriend ko na tinatawagan na sa Opisina sa Munisipyo ..
" Susunduin na lang kita mamaya ha!"
" Wag na!" Hinalikan niya ang noo ko at niyakap ako sandali " Sasabay na lang siguro kami kela Sessai mamaya ! Ayaw niya pa kaming paalisin eh .. " Sabi ko sa kanya !
" Sige tatawagan kita mamaya!"
" Sige ! Tatawagan din kita kapag nakauwi na kami mamaya .. " ngumiti siya at hinalikan ang pisnge ko bago lumapit kay Hailey na hinalikan ang ilong nito kaya tumili na naman ang batang si Hailey !
" Hoy Flor ! Kausapin mo na lang si Jas .. Masiyado kang nagpapaka-stress!" Sabi ni JM na tumatawa at pinisil ang ilong ni Flor pero hinampas niya lang ang kamay ni JM at umirap tsaka tumalikod ..
Tumawa sila Sol at Rolando !
" Kilalang-kilala talaga nun si Jas kaya ganyan na lang yan mag react .. " Sabi ni Sol !
Napalingon ako kay Ciemar habang nakahawak ako sa manubela nang motor nang Boyfriend ko ..
Malungkot ang mata nito kaya ngintian ko siya ! Umaasang gaganda ang mood niya dahil sa ngiti kong yun ..
" Wag ka mag-alala ! Hindi yun galit sayo .. May iniisip lang si Flor!" Tipid itong ngumiti at tsaka unang umalis angkas niya si Gleen !
Sumunod na si Sol at Rolando na tig-isa nang motor ganun din si JP at Jasper na tumango lang .. Sumunod si Dada na angkas si Jenefer na nakangiti sa akin !
" Sige na ! Late na late ka na sa trabaho!"
" Oo na po ! Aalis na .. " Natawa ako dahil para siyang bata na inagawan ng candy !
Hinaplos ko ang pisnge niya at binigyan siya nang mabilis na halik sa labi ..
" Ingat ka ha ! Iloveyou!" Nanlaki ang mata niya kaya natawa ako .. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumalikod na ako para habulin si Flor na may regla na naman yata !
Nakita ko siyang nakaupo sa may dagat at pinapatayo niya si Hailey sa buhanginan ! Tuwang-tuwa naman ang bata pero yoyo nang yoyo dahil tanaw lang naman mula dito sila Sessai at Gio na naglalakad-lakad sa may tabing dagat ! Hindi ko alam kung landian ba yan o nagkukulitan lang .. Kinukuhaan kasi ni Gio nang Video si Sessai pero hinaharangan ni Sessai nang kamay niya ang mukha niya ..
" Ginagawa mo dito?" makalaglag panga naman ang tanong ni Flor ! Hiyang-hiya ako !
" Ay sorry te ! Sayo ito?" Umirap lang siya sa akin at nilaro-laro ang anak niya na tuwang-tuwa sa paglalaro nang buhangin sa maliit niyang paa ..
" Anu bang problema?" Hindi ako tumingin sa kanya ! Nakangiti lang akong pinapanood si Hailey na libang sa buhangin nang dagat ..
" Wala naman!" Mahinahon na ang boses niya ! Hindi na masungit ! Hindi na galit !
" Flor ! Kilala kita okay ? Kahit si sessai gusto ka tanungin .. Pero alam mo naman yan , hindi naman yan nagsasalita kapag may mga ganito eh ! Nakikinig lang yan!" Sabi ko sa kanya !
Bumuntong hininga naman siya at magsasalita na sana nang biglang lumapit si Gio at kinuha si Hailey ..
" Pahiram ah!"
