Chapter 41

752 22 0
                                        


----

SOPHIA

Natulala kaming lahat nang bigla na lang dumating si Rika kasama ang dalawang kaibigan niya ! If im not mistaken , tropa ni Kuya Gio ang dalawang kasama niya ..

Hindi kami agad nakapagsalita nang sabuyan niya nang alak si Ate sessai na walang kaalam-alam kung sinu ang babaeng sumaboy nang alak at sumampal sa kanya !

" Bagay yan sa kanya .. " Kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng ito ..

" Tang-ina!" Napaatras ako nang sumalampak sa sahig si Rika dahil sa pagtulak ni Kuya Gio sa kanya " Anung karapatan mong sabuyan nang alak at sampalin ang Girlfriend ko Rika ? Wala kang karapatan!" Sigaw ni Kuya Gio ..

Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya dahil sa ginawa ni Kuya ! Hindi din agad nakakilos si Chay at beatrice at nanatiling nakatitig kay Rika ..

" Umalis na kayo .. Dahil kahit babae ka ! Babasagin ko ang mukha mo kapag di ako nakapagpigil sayo!" Galit na sigaw ni Kuya Gio habang yakap si Ate Sessai ..

" ARAY!"

Nagulantang kami nang biglang hawakan ni Ate Fiona ang buhok ni Chay at Beatrice tsaka hinila ito at pabatong binitiwan kaya halos mag-umpugan ang dalawa nang sabay silang sumalampak sa sahig !

Hinila naman siya agad ni Kuya Jex pero nahawakan niya pa din sa damit si Rika kaya napunit ang suot nitong manipis ..

" Ang kakapal nang mukha niyong tumapak sa lugar namin ! Hindi niyo ba alam na bawal ang mga hayop dito .. Napakalayo nang TARLAC nakadating ka dito ? Grabe din talaga yang kapal nang mukha mo ! Ang hirap nang e-explaine ha!" Sigaw ni Ate Fiona na piliti kumakawala sa pagkakahawak sa kanya ni Kuya Jex ..

" Fiona anu ba ! Tama na nga!" Matigas na sabi ni Kuya Jex pero tila walang naririnig si Ate Fiona dahil pilit nitong inaabot ang pwesto ni Rika gamit ang mahaba nitong binti!

" Dan ! Ilabas niyo yan .. "

Sigaw ni Ate Kath sa asawa niya ! Natataranta naman itong kumilos para lapitan sila Rika pero nagkusa itong tumayo .. Umiiyak at lalapitan sana si Kuya Gio nang duruin siya bigla nito kaya natigilan siya ..

" Gio please .. "

" Lumayas ka Rika ! Wag mong hintayin na maubos ang pasensya ko sayo .. "

Tumingin muna siya kay Ate sessai na nakayakap kay Kuya Gio bago patakbong lumabas ! Binalingan ni Kuya Gio si Chay at Beatrice , kitang-kita sa mata ni Kuya ang galit sa paraan nang pagtitig niya sa dalawa ..

" Tang-ina beatrice and chay ! Tang-ina!"

Binuhat ni Kuya Gio si Ate sessai na parang bagong kasal at naglakad palabas , nilampasan sila Chay at Beatrice ! Patakbo kaming sumunod sa kanila palabas ..

" Magkita tayo sa bahay nila Tita Emma .. "

Yun lang ang sinabi ni Kuya Gio sa amin bago pinaandar ang kotse niya !

----

Nagmadali akong lumabas nang kotse ni Kuya Lester at patakbong pumasok sa bahay nila Tita Emma nang makauwi kami ..

Naabutan ko si Kuya Gio na nakatitig lang kay Ate Sessai na naghihilamos sa sink sa kusina !

" Babe "

" Ipaliwanag mo lang sa akin kung sinu siya .. Kasi gusto kong maintindihan kung bakit galit na galit siya sa akin?" Sabi ni Ate at nagpunas nang kamay niya habang nanatiling basa ang mukha nito at halatang lasing pa ..

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now