Chapter 51

675 23 1
                                    


---

GERIAN

Taas kilay kong tinitigan si Kuya na ngayon ay nakatuon ang atensyon sa phone niya ! Kagat ang labi at akala mo'y bata na takot sa palo ni Mommy !

" Nag reply na?" Mataray na tanong ko !

" Wala pa din eh!" Kumamot ito sa makapal niyang kilay !

Naiinis akong ngumiti at padabog na isinara ang laptop ko !

" Where are you going?" Nakataas na din ang kilay niya sa akin pero nilabanan ko yun dahil galit ako at gusto kong basagin ang mukha nang babaeng yun !

" sa ex mo , babasagin ko lang ang mukha niya dahil pinaiyak niya ang ate ko!" Galit na sagot ko sa kanya at iniwan ko na siya sa kusina ! Hinila naman niya agad ang braso ko!

" Hayaan mo na .. Ako na ang kakausap!"

" Ikaw ? Alam mo bang way lang ni Rika yan para puntahan mo siya?" Singhal ko kay kuya at marahas kong hinila ang braso ko " Im warning you kuya ! Wag mong sasaktan si Ate Sessai .. Dahil hindi lang ikaw ang uupakan ko pati ang babae mo!" Sigaw ko sa kanya ..

Pinitik niya ang noo ko kaya napanguso ako!

" Ouchy ! Chakit naman eh!"

" Siraulo ka ! Kuya mo ako tapos ganyan mo ako sigawan? At wala akong babae!" Napairap ako ng namewang si Kuya sa harapan ko "Sinu bang nagsabi na sasaktan ko si Ate mo ? Iyakin yun at ayokong nasasaktan siya!"

Ako ang kinilig sa narinig ko kay kuya ..

"Sasapakin ko ang magpapaiyak dun .. Kaya wag mo nang sayangin ang oras mo kay Rika ! Magsasawa din yun dahil hindi naman ako interesado sa kanya!" Mahabang paliwanag niya ..

" Basta kapag nakita ko siya .. Di ako magdadalawang isip na sapakin siya!"

Pagdadabog ko pa ! Magsasalita pa sana siya nang mag ring bigla ang phone niya .. Nanlaki ang singkit niyang mata at mabilis na sinagot ang tawag ! Napangiwi pa ako nang kagatin niya ang kuko niya at hindi mapakali sa isang pwesto .. Para talaga itong bata kapag si Ate na ang kausap niya ! Weird !

" Are you mad babe ? REALLY ? Natatakot kasi ako eh .. Yeah .. Akala ko galit ka ? .. I love you Babe .. Afcoarse ikaw lang .. Yeah i want that .. Okay babe .. Hintayin kita!"

Nilingon niya ako nang mamatay ang tawag!

" Kuya ? Baliw ka na ba?"

" Sabi niya hindi siya galit pero ang hina kasi nang boses niya ! Hindi ako sanay .. Im worried ! Hindi ko pa siya nakikita magalit!"

" Galit siya!"

Natigilan siya sa sinabi ko !

" Kung nakita mo lang siya kanina ? Nanginginig siya sa galit kuya .. Pero yung galit niya iniyak na lang niya ! Ganun siya kalakas para hawakan ang emosyon niya ! Galit siya hindi man sayo pero alam kong galit siya kay rika at nakakatakot na baka sumabog na lang yun bigla!" Seryosong sabi ko tsaka ko binalikan sa kusina ang laptop ko at muli ko siyang nilampasan na nakatitig lang sa kawalan !

Umakyat na ako sa kwarto ko at sumalampak sa kama ko ! Tumunog ang phone ko at napangiti nang makita ang text ni Ate sessai ..

Ate sai
- Bumili ako ng turks ? Shawarma ? Basta yung favorite mo ! Hahahaha .. Idadaan ko na lang diyan !

Nagreply ako nang thank you at chinarge ang phone ko bago ako ulit bumaba ! Naabutan ko si Kuya na nakasandal sa may pintuan habang hinihilot ang sintido niya ..

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now