Chapter 103 - The wedding

798 27 9
                                        

---

Ito na yata ang pinakamagandang umaga na bumungad sa akin , nakangiti akong bumangon at agad na binuksan ang sliding door patungo sa terrace nang aking kwarto. Mas lumawak pa ang ngiti ko nang maabutan ko ang araw na unti-unting sumisilip , medyo madilim pa ang paligid pero unti-unti na ding kinakain nang liwanag ang buong paligid dahil nagpapakita na ang haring araw.

Maaga akong nakaligo , paglabas ko nang kwarto ay saktong dating nila ate zab. Agad na pinaakyat niya ang mga tao niya dala ang wedding gown ko at ibang gagamitin sa pag-aayos sa akin sa kwarto ko , habang may tatlong bakla naman ang nag set sa may sala para sa mga brides maids na darating mamaya para ayusan.

"Bakit kasi ayaw mo sa hotel?" Tanong ni ate zab habang umaakyta kami sa hagdanan patungo sa kwarto ko.

"Mas gusto ko po dito sa bahay ate.."

"Nasa bahay na nila Gio ang ibang grooms men , maaga pa lang nandun na sila 'tsaka nandun na ang iba kong team para sa pag-aayos sa kanila.." Sabi pa niya , nang makaakyat ay saktong pagbukas naman ng pinto sa guest room.

"Magadang umaga zab." Pagbati nila Flor , jas at meng na kahapon lang dumating.

"Good morning." Matamis na ngiting pagbati ni ate zab sa kanila at kinuha si Hailey sa pagkakahawak ni Flor."..hi baby hailey , nakita mo na babang gown mo ? For sure napaka-pretty mo lalo sa gown kasi ikaw ang little bride.." Nakangiti lang kami habang pinapanood si Ate zab na hinahalik-halikan ang pisnge ni hailey.

"Yoyo.."

"Myghad , sasabihin ko kay zac gumawa na kami baby kahit wala munang kasal."

Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni ate zab habang ibinibigay kay flor ang anak.

"Hindi na kayo bumabata , kaya dapat ay magpakasal na kayo at magka-baby."

Sabi meng na nakahawak sa maliit niyang tiyan ganun din naman ako.

"Excuse me ? Edad lang naman ang nadadagdagan sa amin hindi naman nababawasan ang ganda namin.." Sabi ni Jas at nagkasundo naman sila ni Ate zab at nag-aper pa nga sila at bumeso sa isa't-isa.

Napailing na lang ako habang natatawa.

"Sige na , after niyong maligo bumaba na kayo para naman maayusan na kayo kasi darating na yung ibang pinsan nila sessai at pinsan ni Gio.." Sabi ni ate zab at hinawakan ako sa likod ko. "..nag-order na din ako nang breakfast , pinagpahinga ko muna si manang kasi syempre isa siya sa mga ninang so kailangan maganda siya.." Matamis na ngumiti si ate zab ganun din naman ang mga kaibigan ko sa kanya.

"Sige , bababa na din kami." Sagot ni jas.

"Ipagluluto ko lang nang almusal si Meng at Sessai 'tsaka si Geraldine ,  mauna ka na maligo jas para susunod na kami ni Hailey habang kumakain nang almusal si Meng."

Sabi ni Flor at nauna nang bumaba.

Pumasok kami sa kwarto at si ate zab na ang nagtuyo nang mahaba kong buhok , after matuyo nang aking buhok ay sinimulan na niya akong ayusan at inuna niya ang aking mukha habang naka-set pa lang ang buhok ko. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang inaayusan ako ni ate zab , nabaling ang mata ko sa babaeng may hawak nang camera , mahina akong natawa 'tsaka matamis na ngumiti sa camera. "Sinu ba namang hindi mai-inlove sa magandang babae na ito.." Sabi nung babae kaya naramdaman ko ang pag-init nang aking pisnge habang matamis naman ang ngiti ni ate zab na abala pa din sa pag-aayos sa akin.

Ilang saglit pa ay pumasok si flor nang kwarto habang may dalang pagkain , sakto namang katatapos lang ni ate zab na ayusan ako kaya naman naka-kain din ako nang almusal ko. "Ginising ko na din si Zherlyn para maka-kain na siya nang almusal , kinuha niya din si Hailey para daw may kalaro siya habang hindi pa siya naayusan.." Nakangiti niyang sabi.

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now