---" Please honey ! Bumalik ka na sa akin ! Promise hindi na kita palageng aawayin .. Promise iintindihin ko na ang oras mo ! Hindi na kita sasampalin o ipapahiya sa harapan nang mga kaibigan ko ! Lahat nang gusto mo gagawin ko just please honey ! Come back to me please .. Akin ka na lang ulit!" Iyak nito at pilit na inaabot ang mukha ni Gio pero mahigpit ang hawak ni gio sa braso niya at pilit din siyang pinapalayo ..
" Stop it rika ! Tapos na tayo diba ? Nakipag break ka na sa akin ! Ilang taon na yun rika .. TAPOS NA TAYO matagal na so please ! Tigilan mo na ako!" Galit na sabi ni Gio at pabato na binitiwan si Rika ..
Nawala ang pagsusumamo sa mukha nito at mabilis na gumuhit ang galit sa mga mata niya at sinugod ako ! Napaatras ako kahit na pinigilan agad siya ni Gio na makalapit sa akin
" Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag sinaktan mo ang Girlfriend ko!"
" NO GIO ! AKIN KA LANG ! Kahit alam kong hindi mo ako mahal .. Ilalaban kita!"
" TUMIGIL KA NA!"
" TANG-INA!" Sigaw niya at ibinato ang bag niya sa akin ! Hinila ako agad ni Kuya para di ako matamaan " Anu bang meron sa kanya ? Kung kumpara sa akin WALA SIYANG KWENTA dahil isa lang siyang PROBINSYANA!" Muli kong naramdaman ang pakiramdam na tila ba naubusan ako nang hangin sa katawan !
" IPAGPAPALIT MO NA LANG AKO SA ISANG PROVINCE GIRL pa Gio ? Ghad ! Kung pinagseselos mo ako .. Sige na ! Nagseselos na ako kaya bumalik ka na!" Muli itong nakiusap kau Gio !
Kahit hindi ko makita ang mukha ni Gio ay alam kong galit ito dahil sa pamumula nang mga tenga niya at higpit nang pagkakahawak niya sa braso ni Rika !
" Wag na wag mong minamaliit ang girlfriend ko sa harapan ko Rika ! Hindi ko kailangang ikumpara si Sessai sayo dahil WALANG-WALA KA sa kanya ! Naiintindihan mo?"
" No gio please .. "
" Hindi lang siya basta probinsyana ! Kahit anung tingin niyo sa kanya ? Kahit anu pang sabihin mo sa kanya ! LAMANG NA LAMANG pa rin siya sayo at hindi niya kailangang makipaglamangan sayo dahil walang-wala ka sa kanya rika!" Muli niyang binitiwan si Rika at tinalikudan ito !
Nagmadali siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay ! Hinila niya ako palapit sa kotse niya pero muli kaming nahinto nang magsalita ulit si Rika !
" Binigay ko sayo lahat ! Lahat lahat binigay ko tapos ganito lang ang gagawin mo?"
Lumingon ulit siya kay Rika habang hawak pa din ang kamay ko ..
" Ako ba ang nang-iwan ? Kasalanan ko pa bang maliit masiyado ang tingin mo sa akin at ginawa mo akong robot para sa lahat nang gusto mo!"
" Kung hindi mo ako mahal bakit nagtagal ka pa rin sa relasyon nating dalawa!" Sigaw niya habang walang tigil sa pag-iyak !
" Dahil kahit hindi kita mahal nirespeto ko ang relasyon natin para di kita masaktan ! Ginawa kong lahat para maging mabuting boyfriend sayo kahit ilang beses mo akong sinasampal at pinapahiya sa mga kaibigan mo kapag di mo nagugustuhan ang simpleng effort ko!"
" Please honey .. "
" Tigilan mo na ako rika ! Wala kang aasahan sa akin kaya tigilan mo na ako!"
" I will don everything para lang bumalik ka sa akin Gio!" Matigas na sabi nito at totoong nakaramdam ako nang takot sa sinabi niya!
" Hindi ako papayag na mapunta ka lang sa isang PROBINSYANA na katulad niya!"
