RATED SPG Hahahahahaha Charot.
-----
"Dapat tinawagan niyo na lang ako para hindi na kayo bumyahe nang mahabang oras."
Ipinatong ko sa bilog na table ang dala kong meryenda para sa kanila ! Nandito kasi kami sa may garden kung saan tanaw din ang malaking pool na bihira ko talagang tinatambayan dito sa parti nang bahay ..
"Bakit naman hindi ? Gusto ka namin makita ! Mis na mis ka na namin bakla ka." Mataray na sabi ni Jex at uminom sa Juice niya.
Ngumiti naman ako sa kanila , medyo naiilang pa nga ako dahil nakatutok talaga ang mata ni Lily sa akin habang abala naman si Fiona sa harap nang maliit niyang salamin ..
"Ngayon lang ba kayo dumating dito?"
"Nope." Si Lily ang sumagot. "Kanina pa kaming 3am dito , nagpahinga lang kami sandali kela tito franco then nag diretso na kami dito after namin kumain ng breakfast." Sagot niya at uminom din sa Juice niya.
"Hala ! Pwedi naman yatang mamaya niyo pa ako pinuntahan para naman nakapagpahinga pa kayo nang mas matagal." Nahihiyang sabi ko sa kanila.
"Ayos lang yun ate girl , anu ka ba ? Tsaka pwedi namang bukas na lang tayo bumyahe papunta sa Poblacion , hang out muna tayo."
Natawa ako sa sinabi ni Fiona.
"Hindi ako papayagan ni Gio."
Natigilan silang lahat sa sinabi ko pero umakto ako na parang wala akong napansin sa naging reaksyon nila sa sinabi ko.
"Grabe yung love niyo no ? Kapit na kapit na bakla ! Wala na talagang bitawan." Natawa ako nang mahina at di sumagot.
"Swerte sayo ni Gio."
"Mas ma-swerte ako Lily."
"Ma-swerte kayo sa isa't isa kasi hindi niyo alam yung salitang pagsuko." Dagdag pa ni Lily kaya mas lumawak ang ngiti ko.
"Bago nga kami umalis kanina , kinukulit niya kami na sasama siya dito." Mataray na sabi ni Fiona. "..kaso hindi siya pinapayagan ni Tito Franco kasi maaga pa lang nandun na si Zherlyn." Ngumiwi ito at akala mo'y diring-diri.
Nakagat ko ang ibaba kong labi at nginitian na lang ang bigat nang pakiramdam ko.
"May plan kasi sila na pumunta nang Cebu , christmas vacation para sa kanila." Ngumiti kahit alam kong peke iyun.
"What are you planning to do ? Hahayaan mo na lang ba na agawin ni Zher si Gio?"
Ngumiti ako kay Jex.
"Hayaan mong si Zherlyn mismo ang maka-realize na never mapupunta sa kanya si Gio ! Kahit makasama niya si Gio nang sila lang dalawa , malaki ang tiwala kong hindi siya gagawa nang bagay na ikakasakit ko." Sagot ko sa kanya. "Bukod kasi duon , kailangan ko pang linisin ang pangalan ko sa kompanya dahil alam kong isa yun sa dahilan kung bakit ayaw sa akin nang daddy niya." Dagdag ko pa.
"Grabe naman ang problema mo , if ako ang nasa place mo ? Myghad ! Mababaliw talaga ako bakla." Nagkibit balikat ako.
Hindi ko alam kung anung sasabihin ko , pakiramdam ko ay hindi ko na kayang ngumiti o kahit gawing peke ang tawa at ngiti ko , nanatili na lamang akong tahimik.
"Anu ? G na ? Inom na tayo." Nanghahamon na sabi ni Jex kaya napailing na lang ako.
Alas-nuebe pa lang nang umaga pero nag-aaya na sila na mag-inom.
"Masiyado pang maaga para maging almusal ang alak jex." Sabi ko.
Umikot ang mata nito at pinag krus ang braso sa kanyang dibdib kasabay nang pag dekwatro nang pareho niyang mga hita.
