----ZHERLYN
KINABUKASAN ay nagising ako sa sunod-sunod na katok sa pinto nang room ko ,nang bumangon ako ay naramdaman ko agad ang pagkirot nang aking ulo dahil hindi ako masiyadong nakatulog kagabi , iyak na lang ako nang iyak at yun na nga yata ang naging dahilan nang pagtulog ko.
Bumaba ako nang bed ko at tinungo ang door nang room ko , nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang mukha ni manang na di ko malaman kung natataranta ba o kinakabahan. Maputla nga ang mukha niya.
"Manang , are you okay?"
Nag-aalala at nagtataka na sabi ko.
"Tumawag ang kuya mo sa landline anak , pinapapunta ka niya sa Office ngayon."
Kumunot ang noo ko.
"Bakit daw po?"
"Dumating na ang ate mo at duon siya dumiretso sa Office.."
Nagulat ako nang marinig ko ang sinabi ni Manang , hindi na ako nag-abala na isara ang door nang kwarto ko at nagmadaling maligo at magbihis. Lumabas ako nang room ko habang nagsusuklay nang basa kong buhok , halos sigawan ko pa nga si Kuya Jolex na nagkakape sa kusina dahil sa pagmamadali na lumabas para makaalis na kami.
Nanginginig ang kamay ko nang tawagan ko si Kuya ng makasakay ako sa back seat. Lalo pa akong kinabahan nang sagutin niya ang tawag ko.
"Kuya , im on my way na."
"Sige."
"Kuya." Kinakabahan kong tawag sa kanya.
"Hmm?" Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong problemado na naman siya.
"She's okay right?"
"Who?"
"Si ate sessai , kuya."
"Galit siya." Napahugot ako nang hangin dahil sa naging sagot ni Kuya. "..galit na galit siya."hindi ako agad nakasagot.
Maya-maya ay narinig ko ang pagbuntong hininga ni Kuya at marinig ang boses ni Gio.
"Pumunta ka na lang dito.."
"Si-sige kuya."
Ilang beses pa akong napalunok sa sobrang kaba at takot sa pwedi kong abutan sa office nang ate ko. Nanginginig ang kamay ko , natatakot ako sa pweding mangyari dahil sa galit ngayon ni Ate sessai.
Parang gusto ko yata na pahintuin ang oras habang nasa byahe ako. Hindi ko magawang pakalmahin ang kaba at takot ko.
"Ma'am , nandito na po tayo."
"Thank's kuya."
Bumaba ako nang kotse at tipid na nginitian ang ibang empleyado nang kompanya ngunit karamihan sa kanila ay nanghuhusga ang mga mata na nakatingin sa akin. Gusto ko umiyak dahil nasasaktan ako sa uri nang titig nila sa akin , pakiramdam ko ay may kasalanan din ako dahil sa ginawa ni Mommy.
Sumakay ako nang elevator at habang tumataas ang elevator ay lalong lumalakas ang kaba sa dibdib ko. Nakagat ko ang ibaba kong labi nang paglabas ko sa elevator ay mga mata nang ibang empleyado ang sumalubong sa akin , napahinto pa ako sa tapat nang Office ni ate dahil sa kaba pero nag desisyon na din akong pumasok sa loob.
"Kaya nga tinatanong kita kung paanung nangyari na nanakawan nang milyon-milyong halaga ang kompanya , ate loyda."
Napatakbo ako sa likod ni Kuya at duon nagtago na parang bata.

YOU ARE READING
PROBINSYANA (1)
Ficção AdolescenteHindi problema dito ang pagiging PROBINSYANA KO !