-----" Wala kang gagawin sa resort ngayon?" Pinapanood ko siya na naghuhugas nang mga ginamit namin kanina sa almusal !
Lumingon siya sa akin at matamis na ngumiti!
" Sessai time .. " Sabay kindat sa akin !
Natawa ako at kinurot ang tagiliran niya ! Napangiwi siya dahil sa pagkurot ko ..
" Hey ! That hurts ha!" Daing niya !
" Bilisan mo diyan para makaligo ka na ! Damit mo na yan kaninang pag-uwi mo"
" Mabaho na ba ako?" Tumaas ang kilay ko at lumapit sa kanya !
Napaatras siya sa biglang paglapit ko pero hinawakan ko ang damit niya palapit sa akin at inamoy agad ang leeg niya ! Natawa ako dahil gulat na gulat ang maliit niyang mata ..
" Sobrang mabango ka pa din kahit na pawisin ka pa o kahit di ka na maligo ! Kaso pinagpapawisan ka na samantalang yan pa lang ang ginagawa mo dito sa Bahay!" Ngumuso siya at inirapan ako !
Natawa ako sa kanya !
Kinuha ko ang phone ko na nasa sala at nag online sa Facebook ! Nagsalubong ang kilay ko nang sunod-sunod ang pagtunog sa notifications ko ..
Gio Buenavista tagged you in a post ..
Pinindot ko ang post ni Gio kung saan ako naka-tag ! 30minutes ago !
Kagat labi kong tinignan ang post ! Nag-init ang mukha ko nang makita ko ang picture ko na nagtitimpla kanina nang kape niya .. Nakangiti ako sa picture dahil sorry siya nang sorry dahil daw di niya nasagot ang tawag ko ! Natatawa kasi ako sa kanya ayan nakangiti ako na parang baliw habang pinagtitimpla siya nang kape , akala ko kumakain na siya pero kinukuhaan pala ako nang picture ! Naka tshirt na ako dahil pinagpalit na niya ako .. Magulo pa din naman ang buhok ko na nakapusod na ..
Mas naging matamis ang ngiti ko sa caption nang post niya na dinagsa agad nang heart react at comment ng mga di ko kilalang tao !
Goodmorning My Sunshine ..
Sinulyapan ko si Gio sa kusina na nagpupunas nang lamesa !
Binalingan ko ang mga comment sa post niya!
Beatrice Gomez - What the fuck Gio ?
Beatrice ? Sinu ito ?
Zac Corpuz - Goodmorning Babygirl !
*Gio Buenavista - Babygirl ? Damn you bro!
*Zac Corpuz - Chill Bro ! Hahahaha
Napangiti ako sa madaling pagtatalo nila !
Jasmine Santos - Ganda nang ngiti ah !
Maine Mendoza - Naks! Goodmorning !
Dave Briones - Brad ! Chix ah !
*Zac Corpuz - Shut up Dave !
*Beatrice Gomez - Stop it Zac !
Jameson Aquino - Kaya naman pala ! Inspired si Buenavista ..
Trixie Soliman - Oh ! New girlfriend naman pala ! Aha !
Marami pa silang comment pero wala nang nireplyan si Gio sa kanila maliban kay Kuya Zac ! Hindi ko kilala ang mga nag comment , baka mga kaibigan niya sa Tarlac !
" Bakit ang hilig mo mag post nang mga stolen pictures ko?" Tapos na kasi siya sa kusina at lumapit na sa akin dito sa sala !
" So ? Maganda ka eh " sumimangot ako!