---
"Sigurado ka okay ka lang dito?"
Tipid lang akong ngumiti kay Kuya Zac at yumakap sa kanya sandali.
"Dito muna siguro ako nang ilang araw."
"Im sorry."
"Please." Pagod kong sabi. "Tama na ang sorry kuya lalo na't wala ka namang kasalanan sa lahat ng nangyayari ngayon." Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.
"Mag-iingat ka dito okay ? If you need anything , don't hesitate to call kuya okay?"
Malambing na sabi ni Kuya sa akin at pinisil nang mahina ang aking pisnge ..
"I'll be okay , oh english." Mahina kaming natawa pareho at muli niya akong hinila para sa isang mahigpit na yakap.
"Don't worry , everything will be okay."
"I love you Kuya."
"I love you so much." At naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok nang ulo ko bago siya bumitaw sa yakap ko.
"Tawagan mo ako kuya kapag nasa Tarlac ka na ha."
"Yeah ! I will." Ngumiti lang ako at tumango.
Pinagmasdan ko lamang siya sumakay sa driver seat , ngumiti pa ako nang buksan niya ang bintana nang kotse at bahagyang kumaway sa akin.
"Smile na ha."
"Palage naman eh."
Gumuhit agad ang lungkot sa mga mata ni kuya pero di ko na pinansin iyun , ngumiti lang ako hanggang sa bumuntong hininga na lamang siya at pinaandar na palayo ang kanyang kotse , unti-unting nawala ang ngiti ko nang tuluyan nang mawala sa paningin ko ang sasakyan nang kuya ko.
"Bakit ba kailangan mo pang pabalikin si Kuya mo sa Tarlac?" Ngumiti ako at hindi nag abala na lingunin si Flor.
"Kailangan siya ni Zherlyn ngayon."
"Mas kailangan ka niya." Natawa ako nang mahina at bahagyang napayuko bago ko siya tinignan na halata ang inis sa mukha niya.
"Nakakaintindi kasi ako , si Zherlyn hindi kaya kailangan niya si Kuya." Bahagya siyang nagulat sa sagot ko at hindi nakapagsalita.
Ilang sandali pa kaming tahimik bago kami nagpasya na bumalik na sa loob nang bahay , tulog pa ang iba , maaga lang kaming nagising ni Kuya para sa pag-alis niya habang nagising naman nang maaga si Hailey na ngayon ay kalaro nang batang si Dindi.
"Ayaw mo ba sumama sa Pag-asa."
"Bukas na nga pala ang alis niyo."
Sabi ko habang kumukuha nang tubig sa ref at nagsalin sa baso .. Kahit nasa sala sila Hailey at Dindi ay dinig namin ang pagtili ng dalawang bata na halatang natutuwa.
"Kung ako ang tatanungin gusto kong mag stay dito para makasama ka." Ngumiti ako at umupo sa may tapat niya.
"Ayos lang ako , may mga kailangan kayong unahin kesa sa akin flor lalo na sila JM at Meng na naghahanda sa kasal nila."
Bumuntong hininga siya.
"Nag-aalala kami sayo."
"Okay nga lang ako." Sagot ko sa kanya.
Kailangan na kasi nilang bumalik sa pag-asa , may mga naiwan kasi silang trabaho duon lalo na nga sila meng na marami pang aasikasuhin sa kasal nilang dalawa kaya hindi pwedi na mag stay pa sila nang matagal dito kasama ko , kaya ko naman eh , ayoko lang din naman na mas mag-alala pa sila kapag mas lumala pa ang sitwasyon ko ngayon.
