----GERIAN
Busy ako sa mga nire-recoerd ko nang biglang pumasok si Anne sa Office ko !
Nasira tuloy ang araw ko ! Hindi ko malaman kung bakit iritado ako pisteng pagmumukha nang secretary ni Kuya ..
" What?" Mataray na tanong ko!
" Ah Miss gerian ! Pinapatawag po kayo ni Boss sa Office niya ngayon .. " Lalo akong nairita nang maging mahinhin ang boses niya!
Samantalang kapag kausap ang ibang tao diti sa trabaho , umaabot sa kabilang kanto ang boses niya ! Nakakainis !
" Sige pupunta ako .. " Ibinalik ko muli ang tingin ko sa Laptop ko para ituloy ang ginagawa ko nang magsalita na naman siya!
" Ah Miss .. " Umangat muli ang tingin ko sa kanya ! " May kasama pong babae si Boss said Office ? Ngayon ko lang po siya nakita ! Girlfriend niya po ba yun?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya !
Eh anu namang pakialam niya ?
" Hindi ko alam na kasama pala sa trabaho mo ang alamin pati personal na buhay nang kuya ko anne .. " Nanlaki naman ang mata niya at agad na napayuko ..
" Umalis ka na nga anne ! Naiirita ako sa mukha mo .. Lakas makasira ng mood!"
Nagmadali siyang lumabas nang Office ! Napapailing na lang ako at iniwan na nakabukas ang laptop ko .. Kinuha ko ang phone ko at nag online sa IG ko ! Lumabas na din ako at sumakay sa elevator , sumandal ako sa gilid habang nag scroll sa IG ko .. Nahinto ako sa post ni Veronica na isang Video kung saan sumasayaw si Kuya Zac at Zherlyn .. Pinagmasdan ko ang babae sa gitna ! Namangha ako nang mapansing siya yung babae na yakap ni Kuya nung isang araw sa Lobby !
Si ate sessai ..
Magkakapatid nga sila ! Hindi pa rin ako makapaniwala na siya pala ang kapatid ni Kuya Zac at Zherlyn .. Sana all diba ? Edi sana lage kong nakikita si Kuya Zac ! Ghad ! Ang mundo ko .. Nag r-rainbow ! Myghad !
Tinignan ko din ang IG story ni Zherlyn ! Selfie yun kasama si Ate Sessai .. Lumabas na din ako nang Elevator ng makarating ako sa Floor ng Office ni Kuya ..
" KAMUSTA ! KAMUSTA!" Malakas na bati ko sa mga tao sa floor ni Kuya ..
Close ko ang mga tao dito ! Kabiruan maliban lang talaga kay Anne .. Hindi ko siya feel !
" Napadami na naman Lunch mo Miss ? Taas nang Energy!" Natawa ako kay Camille at nakipag-aper sa kanya ..
" Pagod pa ako nito .. " Sabay kindat ko sa kanya ! Tumawa lang naman ang loka-loka ! Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero bakit tawang-tawa siya ..
" Oh milk tea Miss?" Sumipsip ako sa Milk tea na inaabot ni Brenda at ibinalik sa kanya !
Well ! Hindi naman ako maarti kaya oks lang kahit nainuman na niya yun .. Hindi naman ako mamamatay dun diba ?
" Sheet ! Gusto ko niyan .. Sarap ! Paki-bili nga ako . Dalhin mo sa Office"
Nakipagbatian pa ako sa mga tao ni Kuya bagi dumiretso sa Office niya pero iba ang naabutan ko ! Sana nag la-lock sila nang pinto diba para di sila naiistorbo ?
Makikipag-kwentuhan na sana ako kay Ate nang magtanong pa si Kuya about sa meeting na pinuntahan ko sa Capas ! Kaya siya na muna ang kinausap ko at umupo naman si Ate Sessai sa Couch dito sa Office ni Kuya ..
" Na-check ko na din yung mga bagong materials na dumating ! Tinatapos ko na lang din lahat nang records tapos ipapasa ko na sayo para ma-check mo na din!" Sabi ko !
