----
" Are you sure babe okay ka na?" Isinandal ko ang ulo ko sa inuupuan ko at nilingon siya nang nakangiti.
"Okay na po ako , wag mo na akong masiyadong isipin babe!" Nakangiting sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya.
Nanatili ang nag-aalalang titig niya sa akin kaya nabuntong hininga ako at inalis ang seat belt ko , niyakap ko ang braso niya habang hawak ko ang kamay niya at ipinatong ang baba ko sa balikat niya habang sa kanya ako nakaharap kaya bahagya niya akong nilingon.
"Wag ka na mag-aalala!" mahinang bulong ko sa kanya. "May flight ka pa naman bukas ! Baka hindi ka makapag-focus sa meeting mo eh napakaling meeting pa naman nun!" Sabi ko sa kanya at ini-halik ko ang aking ilong sa may braso niya.
Napabuntong hininga naman siya at hinaplos ang pisnge ko tsaka hinalikan niya ang noo ko.
"Paanu nga ako aalis kung alam kong hindi ka okay ? Dito na lang ako!" Hinampas ko ang braso niya kaya napangiwi siya.
"Babe ha!" Pagbabanta ko. "Ayos na nga ako eh ! Mamaya nag-away na naman kayo nang Dad mo dahil hindi mo napuntahan ang meeting na yun!" Sabi ko sa kanya.
Sumimangot naman siya.
"One week yun babe ! Napakatagal . Mababaliw ako kapag hindi kita nakikita , nakakausap , nayayakap at ---" Pinitik ko ang tenga niya nang bumaba na naman ang tingin niya sa labi ko.
Lalo tuloy siyang sumimangot.
"Sige na ! Ayos lang talaga ako babe , magpahinga ka na pagdating mo sa bahay dahil maaga ang alis mo bukas okay?"
Ngumiti ako para mabawasan ang pag-aalala niya sa akin.
"Are you sure babe ? Pwedi ko namang hindi puntahan yun ! Mas importante ka kesa sa lintik na meeting na yun sa tokyo!" Hindi ko inalis ang matamis kong ngiti sa kanya.
"Importante din yun , sige na!" Bagsak ang balikat nitong tumingin sa kalsada.
" Lalaba na ako ha!" Sabi ko habang binubuksan ang pinto sa fron seat. "Ayos lang ako ! Wag ka nang praning!" Natatawang sabi ko pa kaya hindi na talaga nawala ang pagka-simangot nang mukha niya.
"Praning?"
" Wala!" Natatawang sabi ko at tuluyan nang bumaba nang kotse niya. "Mahal na mahal kita!" Malambing na sabi ko kaya naman matamis na siyang ngumiti.
"Mas mahal na mahal kita!"
"Pasalubong ko ha!"
Ngumiti siya at tumango.
"Mag-online ka palage ha ! Sa facebook lang kita makakausap Mahalko eh!" Sabi niya kasi iiwanan niya ang sim niya kaya sa chat talaga kami magkakausap.
Hindi ko na matandaan ang huling beses akong nag-online ah.
"Yes babe ! Mag-oonline ako palage."
" I love you Babe!" Malungkot na sabi niya at tinawanan ko lang siya.
"I love you so much , ingat ka duon!"
Ngumuso na naman siya kaya tumawa na lang ako at naglakad na palapit sa gate namin ! Papasok na sana ako nang matigilan ako sa pagyakap ni Gio sa may likuran ko at ibinaon ang mukha sa may leeg ko at hinalikan iyun nang paulit-ulit kaya natatawa ko siyang nilingon at hinawakan ang magkabila niyang pisnge.
"Paanu ka makakapag-focus sa meeting mo sa tokyo kung ako ang nasa isip mo!"
"Aba lage ka namang nasa isip ko babe ! Hindi ka nawawala dito .. "
