---
"Sana anak sa hospital ka na lang nagpadala kasi duon mas maaasikaso ka at mabibigyan nang tamang gamot!" Hindi ako sumagot.
Nanatili lang ang mga mata ko sa nakabukas na terrace nang aking kwarto.
"May masakit pa ba sayo?" Umiling ako.
"Gusto ko po sanang mapag-isa!" Mahinang sagot ko dahil wala na akong boses.
"Just call me if you need anything!" Tumingin ako kay Geraldine na tinawagan ni Kuya para tignan ang lagay ko dahil ayokong magpadala sa hospital. "Wag kang masiyadong nag-iisip .. Hindi maganda sayo yun!" Tipid lang akong ngumiti sa kanya.
"Sala...mat!" Napangiwi ako nang mabasag ang boses ko at halos di na maintindihan.
"Sige , sa ibaba lang ako!" Lalabas na sana siya nang muli ko siyang tawagin. "Hmm ? May kailangan ka pa ba?" Mahinahong tanong niya habang nakahawak sa door knob.
"Wag na sanang....makarating ang lagay ko...kay Gio!" Nagsalubong ang kilay niya kaya tipid lang akong ngumiti. "Ayokong dumagdag sa stress nang kuya mo!" Yun lang ang sinabi ko nag-iwas na nang tingin.
Narinig ko na lang ang pagsara nang pinto ng kwarto ko kaya mag-isa na lang ako ulit ! Napapikit ako nang maramdaman ang kirot nang ulo ko at ang mabigat na pakiramdam sa sobrang taas nang lagnat ko ..
Hindi ko mapigilan ang sunod sunod na pagpatak nang mga luha ko hanggang sa para na akong batang umiiyak , nakabaluktok sa kama habang yakap ang aking unan.
Noon kapag may sakit ako hindi umaalis sa tabi ko si Ate sally , nasa tabi ko lang siya palage at halos hindi na umalis sa tabi ko hanggat hindi ako nakakatulog nang maayos , kahit busy siya sa clinic -- pipilitin niyang makauwi siya kapag oras na nang pag-inom ko ng gamot kahit nandiyan sila nanay.
Pero ngayon ? Mag-isa lang ako ! Pakiramdam ko mag-isa lang ako -- pakiramdam ko wala na akong kasama ! Sobrang bigat kasi nang pakiramdam ko at ang sakit-sakit.
"Naku ang babygirl ko umiiyak na naman"
Dahan-dahan kong nilingon si Kuya , nakangiti ito ngunit nakaguhit ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
"Hindi ka ba makatulog?" Tumango lang ako.
Ngumiti si kuya sa akin at humiga sa tabi ko ! Para akong batang sumiksik agad sa kili-kili niya habang nakaunan ako sa braso niya ..
Patuloy pa din ang pagtulo nang luha ko kahit nakakulong na ako sa yakap nang kuya ko.
"Hindi ako...traydor kuya!" Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ang noo ko.
"I know baby , i know!" Para akong batang patuloy na humihikbi habang nakasiksik sa may kili-kili nang kuya ko.
Gusto ko lang iiyak lahat nang sakit at sama nang loob ko dahil ayokong magalit.
"Hindi ko tinanggap ang pera .. Maniwala ka sa akin kuya!" Nabasag na lalo ang boses ko nang lumakas na ang pag-iyak ko.
Humigpit ang yakap sa akin ni Kuya , ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib nang kuya ko habang patuloy pa din ang aking pag-iyak.
"Wag mo nang isipin yun!" Bulong niya habang patuloy ang pag-haplos sa buhok ko "Diba sabi ko sa inyo ? Hindi ko hahayaang masaktan kayo nang kahit sinu!" Hinaplos ni Kuya ang pisnge ko. "Gagawin ko ang lahat okay ? Para maayos ito ! Wag mo nang isipin yun masiyado para gumaling ka na agad .. Kapag nalaman ni Gio na nagkasakit ka ? Lilipad agad yun papunta dito!" Mas sumiksik pa ako sa dibdib ni Kuya ko at hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

YOU ARE READING
PROBINSYANA (1)
Ficção AdolescenteHindi problema dito ang pagiging PROBINSYANA KO !