---Masakit na sa balat ang sikat nang araw nang umalis kami sa bahay nila Meng ! Napakadami ngang sinasabi ni Meng dahil napakatagal namin , nag kwento naman ako na hinarang pa kami nila Bebang kaya lalong nagdaldal nang nagdaldal .. Mabuti na lang wala si Flor ! Kasi kung nandito yun baka hindi na naman sila natapos sa pag-aaway !
Gamit namin ang malaking tricycle nila JM ! May upuan sa harapan at upuan sa likudan , iba pa ang upuan sa likod nang Driver ! Nasa harapan si Kikay at ang boyfriend niyang si Vlad habang kami ang nasa likudan ni Gio at si JM ang driver at nasa likod niya si Meng !
" Nandito na tayo!"
Bumaba kami nang tricycle , huminto kami sa ilalim nang malaking puno kung saan tanaw na tanaw ang malawak na palayanan nila JM ! Ang alam ko ang kabilang palayanan at Lupa ay pag ma-may ari nila Ciemar .. Hindi namin pweding dalhin ang tricycle papunta sa Resthouse nila dahil palayanan ang dadaanan namin papunta duon !
Niligon ko si Gio sa tabi ko na tagaktak na naman ang pawis sa noo na lumalandas na sa pisnge niya ! Abala naman sila JM at Vlad sa pag-aayos nang mga pagkain na lulutuin pagdating namin duon ..
" Basang-basa na ang likod mo!" Sabi niya habang hawak ang tshirt ko sa likod para hindi lumapat sa balat ko sa aking likod ..
" Pagdating duon , magpalit ka agad ha!"
" Ikaw din naman ! Basang-basa ka na din nang pawis .. " ngumiti siya at isinabit sa tenga ko ang hibla nang buhok na humaharang sa mukha ko ..
" Pwedi naman akong maghubad na lang pagdating duon ! Extra shirt mo na lang din ang extra kong t-shirt kasi baka gabi pa tayo makabalik sa Bahay!" Sabi niya !
Sabagay lalaki naman siya kaya ayos lang kung short lang suot niya walang tshirt !
" Tara na uy ! Mamaya na ang landian ! Tanghali na .. " Sigaw ni Meng na dala ang back pack niya !
Nauuna si JM kasunod si Vlad na parang bata na natatalapid sa paglalakad habang tawa naman nang tawa si Kikay sa Boyfriend niya !
Sumunod ako kay Meng pero natigilan ako aa paghakbang dahil hindi ko naramdaman ang pagsunod ni Gio sa likudan ko !
" Bakit?" Nagtataka kong tanong !
Napalunok siya at kinagat niya ang ibabang labi habang kumakamot sa kilay niya !
" Wa-wala bang ibang daan?" Tumingin ako sa dinadaanan nang mga kaibigan ko !
Maputik ito ! Pero hindi naman basa dahil mainit naman ang panahon .. Kaya makakadaan ka pa din nang maayos ! Medyo makipot lang ang daan dahil gawa lang naman sa putik ang dadaanan habang palayanan na ang nasa gilid ..
" Wag kang mag-alala ! Nandito naman ako!"
" Pero kasi , look ahm ! Si Vlad oh , hirap na hirap siya sa paglalakad .. Shit!" Natawa ako dahil parang mas na-stress pa siya dito kesa sa pag ta-trabaho niya ..
Natatawa ko ding nilingon sila Meng na dinig na dinig ang malalakas na tawanan sa pagkadapa ni Vlad ! Dahil nga tahimik ang paligid ay ume-echo ang boses nila ..
" FUCK SHIT HONEY ! AYOKO NA DITO!" sigaw ni Vlad na tinawanan lang ni Kikay !
Inalalayan niya ang boyfriend niya pero tumatawa pa din naman , si JM naman ay diretso lang ang paglalakad at kumakaway sa mga tauhan nila dito ..
" Tara na ! Akong bahala sayo ! Lalong sumasakit sa balat ang sikat nang araw .. "
Bumuntong hininga siya at lumapit sa akin ! Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti nang matamis sa kanya ..

YOU ARE READING
PROBINSYANA (1)
Ficção AdolescenteHindi problema dito ang pagiging PROBINSYANA KO !