Chapter 97 - Engagement Party ( 2 )

626 22 1
                                        


-----

JAS

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi hangaan ang mommy ni Gio. Napakaganda niya , nakuha ni Gio ang ganda nang mata nang mommy niya at ngiti nito na umaabot sa mata na animo'y kumikinang kapag nakangiti. May tao kasi na kapag ngumiti at masaya ay sa labi mo lang makikita pero siya , ang ngiti nang mommy ni Gio ay hanggang mata. Nakakatuwang pagmasdan , kahit may edad na ay hindi maitatanggi ang ganda niya. Sa kutis pa lang na balat nito ay halatang inaalagaan nang husto , kahit lampas na ang edad sa kalendaryo ay humahabol ang ganda niya sa mga edad namin ngayon.

Talagang nakakamangha.

"Ikaw si Meng hija?" Nakangiti nitong sabi nang mabaling ang tingin nito kay Meng.

"Opo." Sagot ni Meng na nakangiti.

Hinawakan nang mommy ni Gio si Meng sa kamay at matamis na ngumiti.

"Na-kwento ni sessai na ikakasal ka na next month ? Who's the lucky guy?" Nang-aasar na sabi nito at natawa naman si Meng.

Agad na lumapit ang bestfriend ko at nakipag-kamay at muling nagmano sa mommy ni Gio.

"Im John Mark Dela Cruz po ma'am , JM na lang po para maiksi.." Nakangiting sabi ni JM at hinawakan sa bewang si meng tsaka hinalikan sa pisnge.

"You look good together , congrats mga anak." Sabi nito at sabay na niyakap ang dalawa. Wala naman kaming ibang ginawa kundi ang ngumiti habang pinapanood sila.

Kinamusta niya pa kaming lahat na para bang kilalang-kilala na niya kami , sabi kasi niya ay palage kaming kinu-kwento sa kanya ni Sessai kaya marami na siyang nalalaman sa amin. Kahit ang madalas na kalokohan ni JP , Dada at Rolando ay alam nang mommy ni Gio kaya tuloy nakasimangot na yung tatlo dahil sinasabayan namin ang mommy ni Gio na asarin sila. Nanatili din namang tahimik ang daddy ni Gio na nakangiti lamang habang pinagmamasdan kami. Hanggang ngayon kasi ay naiinis kami sa kanya pero syempre hindi naman nawawala ang aming respeto.

Bumalik kami sa table namin kasama ang mga pinsan ni Gio na kahit ngayon lang namin nakakasama ay para bang matagal na namin silang kilala. Lalo na si Jex na nilalandi si Sol na tumatawa lang pero halatang naiilang.

"Hey jex , you're so malandi.." Sigaw ni Fiona at binato ito nang kutsara.

"What the fuck bitch?" Sighal nito.

Napakamot naman si Sol sa ulo nito at tumingin kay Sessai para siguro huminge nang tulong pero abala ang bunso namin sa pakikipag-usap sa kapatid ni Gio na si Gerian , nakilala na din namin siya kanina at masasabi kong madaldal talaga siya kaya pala nagkakasundo sila ni Sessai.

Pareho silang madaldal --

"Ah talaga may baby ka na din?" Dinig ko namang sabi ni Flor sa pinsan ni Gio na si Princess Malyn.

"Oo , girl din siya. Dalawang taon na."

"Hindi mo ba siya kasama?"

"Hindi eh , kaya kailangan ko din agad bumalik sa Poblacion kasi baka umiyak nang umiyak sa daddy niya.." Sagot nito.

Nanatili lang akong tahimik at nakikinig sa kanila habang katabi si Ciemar sa right side ko at si Gleen sa left side ko na abala naman sa pakikipag-usap sa ibang pinsan ni Gio.

Madaldal din naman ako pero kapag kasi hindi ko ganun ka-close ay tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila. Ngingiti at sasang-ayun sa topic nila pero tahimik lang talaga ako at kung hindi ako tatanungin ay hindi din ako sasagot. Maldita ako at mataray pagdating sa mga kaibigan ko , pero may time talaga na tahimik ako kapag hindi ko kilala ang mga tao sa paligid ko. Kaya tahimik lang akong umiinom habang nilalaro ko ang mga daliri ni Ciemar na abala sa pakikipag-kwentuhan sa mga lalaking pinsan ni Gio. Nililingon niya naman ako pero sabi ko makipag-usap lang siya kasi okay lang ako.

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now