----
SESSAI
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nang bumalik kami sa bahay nila Tita Emma !
Nagmano ako agad kay Tita emma nang makita ko siya sa kusina ! Nakasunod naman si Gio sa likod ko at bumeso kay tita ..
" Nagluto ako nang hapunan!" Nakangiting sabi ni Tita !
" Maaga po yata ang uwi niyo?" Tanong ni Gio habang sumisilip sa niluluto ni Tita ..
Hindi ko na narinig ang sagot ni Tita nang lumabas ako sa kusina ! Nakaramdam kasi ako nang sama nang pakiramdam , biglang bumigat ang pakiramdam ko at parang gusto ko na lang matulog muna ! Pagpasok pa lang sa kwarto ay sumalampak ako agad sa kama ! Mariin akong napapikit nang makaramdam ako nang hirap sa paghinga ..
Ilang beses akong napalunok at sinuntok nang tatlong beses ang dibdib ko na umaasang dahil duon gagaan ang paghinga ko ! Ngunit napangiwi ako nang pati lalamunan ko ay sumakit na !
Narinig ko ang pag-ring nang phone ko na nasa bulsa ko ! Nanghihina ako na sinagot ang tawag kahit di ko nakikita ang tumatawag!
" He...llo" Pumiyok ang boses ko!
Nahawakan ko ang dibdib ko nang mahirapan ako lalo sa paghinga ..
" Sai ? Ayos ka lang?"
" O-oo ! Ayos lang...ako!" Sagot ko at pilit na tinatago ang hirap ko sa paghinga !
Pinilit kong tumayo at dumiretso sa banyo nang kwarto ! Humarap ako sa salamin at nakita duon ang sarili ko ! Puro pantal ang leeg ko pati na ang mga braso ko , hindi na ako nagulat nang pati ang kamay ko ay namamaga na ! Hinubad ko ang tshirt ko at bumungad sa akin ang katawan kong puro pantal na at pulang-pula!
" Sessai ! Anung nangyari sayo ? Bakit paos na naman ang boses mo?"
" Wala meng ! Napagod lang siguro sa pamamasyal kanina!"
" Inatake ka na naman nang hika mo?"
Napatitig ako sa salamin at kitang-kita ko ang sobrang pamumula nang mga mata ko !
Napangiwi ako nang suminghap ako nang hangin ! Pinilit kong maglakad pabalik sa kama at agad na bumagsak padapa !
Ayoko nang ganito --- ATE !
Tumulo ang luha ko nang bigla ay hanapin ko ang presensya ni ate kapag ganitong hindi maganda ang lagay ko ! Ate sally !
" Punyeta ! Kung hindi ka hinihika ... PUTANG-AMA!" Dinig kong sigaw ni Meng sa kabilang linya" Kumain ka na naman ba nang alimango ? Sessai naman!" Singhal niya ngunit di ko na magawang sumagot ..
Nasapo ko ang dibdib ko nang muli ay sumikip ang paghinga ko ! Nanunuyo ang lalamunan ko at di na ako makasigaw nang maayos .. Kahit ang tawagin ang pangalan ni Gio ay di ko na magawa !
Unti-unti ay lalong bumigat ang pakiramdam ko at wala na akong ibang naramdaman kundi ang pagsinghap nang sapat na hangin !
----
GIO
Nagmadali kaming umakyat pataas ni Tita matapos kong matanggap ang text ni Meng !
Pagbukas ko nang pinto nang kwarto ay sumalubong sa akin si Sessai na nakadapa sa kama at walang suot na tshirt kundi bra lang tsaka ang pants nya kanina ! Ngunit mas nakaagaw nang atensyon ko ang pamumula nang katawan niya at pamamaga nang kamay niya ! Kinain ako nang sobrang pag-aalala nang lapitan ko siya at ihiga nang maayos para makita ko ang itsura niya !
