Chapter 89 - SAYAWAN sa Brgy.Pag-asa!

738 16 4
                                        


---

"Mag dress ka na lang."

"No."

Natawa ako nang mabilis na agawin ni Gio ang hawak ni Meng na dress.

"Sayawan naman yun Gio."

"Hindi ka mag d-dress , makikita lalo yang haba nang legs mo sa maiksing dress na ito."

"Sasapakin ko na itong boyfriend mo."

Tinawanan ko lamang ang pagtatalo nang dalawa sa susuotin ko ngayong gabi para sa malaking sayawan nang Brgy.Pag-asa.

Gusto kasi ni Meng ay magsuot ako nang dress na pula na sumusunod ang palda sa bawat galaw ko , kita ang balikat at medyo nakikita nang konti ang aking dibdib kaso lang ay agad na umaalma si Gio dahil masiyado daw maiksi lalo na't sigurado daw na maraming tao mamaya sa sayawan. Natatawa na nga lang ako sa ingay nilang dalawa , hindi din naman kasi nagpapatalo si Gio kay Meng.

"Manahimik nga kayo , magpapantalon na lang ako tsaka t-shirt." Nakangiting sabi ko at naglabas nang damit na susuotin ko.

Iyun kasi ang napiling damit ni Gio sa akin nang maghalungkat siya sa mga damit na dala ko dito kanina.

"Oh ! That's better darling.."

Matamis na ngiting sabi ni Gio , natawa naman ako nang agad siyang dumaing sa sakit dahil sa hampas ni Meng sa braso niya.

"Shit ! Ang sakit mong manghampas."

"Tadyakan pa kita diyan eh.." Singhal ni Meng.

Naghaya pa ito nang sapak pero mabilis ang naging kilos ni Gio para makalayo kay Meng , padabog na lumabas ang kaibigan ko nang kwarto kung saan kami natutulog dalawa ni Gio kaya naman nabaling sa akin ang atensyon ng boyfriend ko.

"Bakit hindi ka pa lumalabas?"

Nagtataka kong tanong sa kanya , kumunot naman ang noo niya at inosente niya akong tinignan. "Why?" Tanong niya pa.

Naningkit ang mata ko at namewang sa harapan niya , ngumiti naman siya at hinawakan ang bewang ko tsaka hinalikan ang balikat at pisnge ko.

"Bakit nagsusungit ka na naman ha?"

"Magbibihis kasi ako , kaya lumalabas ka na babe. Nanduon naman sila JM sa labas eh , wait mo na lang ako sa ibaba." Sabi ko at inalis ang kamay niya sa aking bewang pero agad niyang nahawakan ang kamay ko at umupo siya sa gilid nang kama.

Ibinalot niya agad ang braso niya sa aking bewang kaya naman napa-upo ako sa hita niya , hinalikan niya agad ang labi ko at sumiksik sa aking leeg.

"Okay ka lang ba?"

"Yeah." Mahinang sagot niya at naramdaman ko na naman ang mainit niyang hininga sa aking leeg. "Gusto ko lang nang yakap mo , napapadalas na ang pagsusungit mo eh.." Nagsalubong ang kilay ko at pinalo siya sa braso , natawa naman siya at hinalikan ang aking leeg bago nag-angat ng tingin sa akin.

"Anung madalas na nagsusungit ? Ikaw kaya itong lageng nagsusungit.." Ngumiti naman siya at inamoy ang kili-kili ko kaya bahagyang napalayo sa kanya ang katawan ko kaso yakap niya ako sa bewang kaya nanatili pa din akong nakaupo sa mga hita niya.

"Minsan tuloy ay naiisip ko baka buntis ka na talaga mahalko.." Ako naman itong natawa at pinisil ang ilong niya.

"Hindi ako buntis.."

"Ayaw mo ba?"

"Ang alin?"

"Ang mabuntis , ayaw mo pa ba nang baby mahalko?" Ngumiti ako at hinaplos ang kanyang pisnge.

PROBINSYANA (1)Stories to obsess over. Discover now